Renato Llenes, nagpaliwanag kung bakit niya pinatay at binalatan si Christine Silawan

Renato Llenes, nagpaliwanag kung bakit niya pinatay at binalatan si Christine Silawan

- Inaresto ng pulis si Renato Bayuban sa pagpatay kay Christine Silawan

- Ipinaliwanag ni Bayuban kung bakit niya pinaslang ang biktima

- Umamin din siya sa tunay na dahilan ng pagbalat niya sa mukha ng kawawang dalaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Renato Bayuban Llenes, ang pangalawang suspek na inaresto sa pagpatay sa 17-anyos na si Christine Silawan, ay umamin na sa karumal-dumal na krimen.

Nalaman ng KAMI na inamin din niya kung bakit niya pinatay ang biktima.

Ayon kay Llenes, 43, nagalit siya kay Silawan nang malaman niyang may diumano’y sekswal na karanasan ang biktima sa ex-boyfriend nito, sa report ng Philippine Daily Inquirer (isinulat ni Morexette Marie B. Erram).

Hindi rin daw natuwa ang suspek nang hindi siya magustuhan ni Silawan nang magkaharap silasa unang pagkakataon noong Marso 10 sa labas ng simbahan. Ito ay dahil gumamit ng fake Facebook account si Llenes upang kaibiganin si Silawan.

Ibang pangalan, picture at edad ang ibinigay ng suspek sa biktima nang sa social media pa lamang sila nag-uusap.

“I used a dummy Facebook account to lure Christine. We chatted frequently until we became a couple on Facebook…

“We agreed to meet personally for the first time on March 10 at Sacred Heart Parish in Lapu-Lapu City. We fought on our way (to Barangay Bangkal) and that’s when I killed her,” sinabi ni Llenes.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ipinaliwanag din ni Llenes na binalatan niya ng mukha si Silawan upang hindi makilala ng awtoridad ang katawan nito. Natutunan daw niya ang pagbalat sa mukha mula sa social media videos.

Umamin daw siya sa krimen dahil nakonsensya siya sa kaniyang ginawa at dahil naawa rin daw siya sa 17-year-old na ex-boyfriend ni Silawan na siyang unang naging suspek sa krimen.

Nasa-ilalim daw siya ng impluwensya ng droga nang patayin niya si Silawan, ayon sa Sunstar (isinulat ni Arnold Bustamante).

“I was haunted by my conscience. I pity the 17-year-old suspect. And I hope he will be released soon,” dagdag pa ng suspek.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Which Food Delivery App Is The Best? We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kabit, inireklamo ang nakarelasyong konsehal na tinatago umano ang kanilang anak

Kabit, reklamo ang nakarelasyong konsehal na tinatago umano ang kanilang anak

Kabit, reklamo ang nakarelasyong konsehal na tinatago umano ang kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel