43-anyos na suspek, idinetalye ang pagpatay kay Christine Silawan

43-anyos na suspek, idinetalye ang pagpatay kay Christine Silawan

-Iprinisinta sa isang conference sa Police Regional Office-Central Visayas ang 43-anyos na suspek sa brutal na pagpatay kay Christine Silawan

-Inamin ng suspek na siya ang pumatay kay Christine at idinetalye ang krimeng nagawa

-Sinabi rin nitong gumamit ito ng droga ng mga panahong iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang press conference sa Police Regional Office-Central Visayas nitong Huwebes, Abril 11, iprinisinta ng mga awtoridad ang suspek na si Renato "Renren" Llanes, 43-anyos.

Ito ngayon ang itinuturing na primary suspect sa brutal na pagpatay sa 16-anyos na si Christine Silawan dahil na rin sa pag-amin nito mismo sa mga awtoridad.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief, Police Director General Oscar Albayalde, nagkakilala ang dalawa sa Facebook, base na rin sa mga naging pag-amin ng suspek.

Nagpanggap ang suspek bilang ibang tao sa pamamagitan ng isang dummy account na may pangalang "CJ Diaz".

Nagkaroon umano ng relasyon ang dalawa sa Facebook at nagkasundong magkita sa harap ng Sacred Heart Parish sa Barangay Pajac, Lapu-Lapu City noong Marso 10.

Nagulat umano si Christine nang makita ang suspek dahil masyadong matanda ito para sa kanya.

Dahil dito umalis si Christine na sinundan naman ng suspek hanggang sa makarating sila sa Sitio Mahayahay in Barangay Bankal.

Dito, pinilit umano ng suspek na makipagtalik sa kanya ang biktima ngunit tumanggi si Christine.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagalit pa umano ang suspek nang sabihin ni Christine na hindi na siya birhen.

Dito na umano inatake ng suspek si Christine at tinangkang gahasain ngunit nabigo ito ng sariling katawan.

Pagkatapos ay pinagsasaksak na nito si Christine hanggang sa mamatay. Binalatan rin daw nito ang mukha ng biktima upang hindi ito makilala.

Natutunan daw nito iyon sa mga napanood na videos sa Facebook at sa kontrobersyal na Momo challenge.

Inamin nito sa mga reporter sa press con na naka-droga siya ng mga panahong iyon.

Nakunsensiya rin daw ito kaya umamin.

Ayon pa kay Albayalde, bukod sa pagpatay kay Christine, isa rin ito sa mga nasa drug watchlist ng Lapu-Lapu City Police Office.

Narito ang buong kuha ng press conference mula sa Sun Star Cebu:

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Reaction of Eddie Garcia's longtime partner to his passing

Reaction of Eddie Garcia's longtime partner to his passing

Reaction of Eddie Garcia's longtime partner to his sudden passing
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel