Arci Muñoz, nagpalagay ng chest piercing pagkatapos ng lip tattoo

Arci Muñoz, nagpalagay ng chest piercing pagkatapos ng lip tattoo

- Isiniwalat ni Arci Muñoz sa TWBA na nagpalagay siya ng "chest piercing" bukod pa sa kanyang "lip tattoo"

- Kilala ang aktres na adventurous at daredevil pagdating sa kanyang looks at fashion statement

- Bukod sa pag-iiba ng kulay ng buhok at hairstyle ay nahihilig din ito sa tattoos

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Spotted ng KAMI ang bagong mga pagbabago sa hitsura ni Arci Muñoz na proud naman niyang ibinahagi.

Ani pa nga ng cosmo.ph, adventurous talaga ang aktres pagdating sa kanyang looks at fashion statement.

Sa katunayan, bukod pa sa pagpapakulay ng buhok, pag-iiba ng hairstyle, at pagpapa-tattoo ay may bago na naman siyang sinubukan.

Una ng ibinihagi ng 'Prettylooks' ang pagpapalagay ni Arci ng lip tint o lip tattoo.

Ngayon naman ay ibinunyag niya sa programang Tonight With Boy Abunda ang pagpapalagay niya ng "chest piercing" na inakala ng lahat kasama na si Piolo Pascual at boyfriend niya na isa lamang itong sticker.

Hindi nga lang adventurous ang 30-year-old actress-vocalist-author sa pagpapakulay ng kanyang buhok pati na rin sa pagpapatattoo na ayaw daw ng 40-year-old businessman boyfriend niyang si Anthony Ng pero wala na raw itong magawa.

Kamakailan din ibinahagi namin ang '8 Local celebs na daredevil pagdating sa pagta-try ng kakaibang hair colors' kung saan kasama ang aktres.

Si Arci Muñoz ay unang nakilala sa GMA-7 bilang isa sa mga aspiring artists ng 3rd season ng StarStruck.

Huling naispatan ang aktres sa teleseryeng 'Since I Found You' sa Kapamilya network bilang si Daniella 'Dani' Cobarrubias katambal si Piolo Pascual.

POPULAR: Read more news about Arci Muñoz here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
‘Walang Tatawa’ challenge by Alex, Melai, Kim, & Robi now viral

‘Walang Tatawa’ challenge by Alex, Melai, Kim, & Robi now viral

‘Walang Tatawa’ challenge by Alex, Melai, Kim, & Robi now viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel