15 Pinay celebs na na-link at naging girlfriend ni Kempee de Leon noon

15 Pinay celebs na na-link at naging girlfriend ni Kempee de Leon noon

Maraming mga netizens at TV viewers ang nawindang sa listahan ng mga Pinay celebs na naging girlfriend ni Kempee de Leon noon, na ibinahagi niya sa TWBA ni Boy Abunda.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Spotted ng KAMI ang 15 sa mga kilalang mga actress-singer-TV host na na-link at nagkaroon ng relasyon ang dating Eat Bulaga host.

Hindi naman magkamayaw ang mga netizens sa pagbibigay komento at reaksyon sa nakakalokang pasabog ni Kempee sa mga naging ex niya kanya dahil puro magaganda ang mga ito.

Prangka na sinagot isa-isa ng 'Nang Ngumiti Ang Langit' actor ang mga babae na ibinabato sa kanya ni Tito Boy.

1. Manilyn Reynes

Pag-amin pa ni Kempee 15 years old daw siya noon at 16 years old si Manilyn nang naging sila.

Naging sila daw for 4 months.

2. Vina Morales

"We lasted for a year and a half," bungad pa ni Kempee de Leon sa relasyon nila ni Vina Morales na nagsimula sa That's Entertainment.

3. Ara Mina

Pag-amin pa ni Kempee de Leon, sa That's Entertainment daw nag-umpisa ang lahat.

Nagandahan daw siya kay Ara Mina noong bagong pasok niya sa naturang show.

Four months naman daw sila naging magkarelasyon.

4. G. Toengi

Isiniwalat din ni Kempee sa naturang interview sa TWBA na nagkaroon din siya ng relasyon kay G. Toengi pero hindi na inihayag kung ilang months o years naging sila.

5. Jessa Zaragoza

Ibinulgar din ni Kempee na naging sila rin ni Jessa Zaragoza noon.

6. Ina Raymundo

Naging sila rin pala ni Inay Raymundo.

7. Ana Roces

Na-i-link din kay Kempee de Leon ang magandang aktres na si Ana Roces pero pag-amin pa ng una na naging leading lady lang daw niya ito.

8. Aiko Melendez

Ayon naman ni Ruel Mendoza ng abante.com.ph, nagkaroon din daw ng relasyon si Kempee kay Aiko Melendez.

9. Geneva Cruz

Dugtong pa ng parehong manunulat sa abante, na inami diumano noon ni Geneva Cruz na nagkaroon umano sila ng "short relationship" ni Kempee de Leon.

Sa radio show daw ni DJ Mo Twister ito inamin ni Geneva, ayon pa sa balita ng gma.network.com noong October 13, 2008.

10. Mikee Cojuangco

At ayon pa rin sa pagkakaalam ng naturang source entertainment outlet, niligawan daw noon ni Kempee si Mikee Cojuangco pagkatapos umano nilang gawin ang 'Nag-iisang ikaw.'

11. Cristine Reyes

Sa 'Don't Lie To Me' segment ng GMA-7 defunct show na Showbiz Central noong October 12, 2008, inamin daw ni Kempee na nanligaw siya kay Cristine Reyes noon, na nakakabatang kapatid ng ex na si Ara Mina.

12. Angelika dela Cruz

Naitanong din umano kay Kempee ang tungkol kay Angelika dela Cruz, na sinagot naman daw ni Kempee ng:

"Well, how will I put it? Nanligaw ako kay Angelika. But I guess, it's not the right time. But I'm proud to say, we're good friends right now and congratulations to Angelika, she's very happy right now."

13. Pauleen Luna

Malakas din ang balita noon ng panliligaw ni Kempee de Leon kay Pauleen Luna pero nabasted din umano ng huli.

14. Donna Cruz

Nag-love throwback naman ang leading lady ni Kempee de Leon sa Villa Quintania na si Donna Cruz noong Sarap Diva.

Ito ay naganap sa kaarawan ni Regine Velasquez, pagbahagi pa ng GMA News Online noong April 28, 2014.

Dinescribe umano ni Donna na cute raw si Kempee at inamin na noon ay nagkaroon daw sila ng ugnayan.

Ani pa ni Donna:

“Mutual understanding. Oo, 'yung tipong walang kiss-kiss.”

15. Carmina Villaroel

Habang si Carmina Villaroel naman ay naging girlfriend ni Kempee ng dalawang taon.

At ani pa ng aktor sa pag-amin niya kay Boy Abunda na si Carmina ang girlfriend niya noon na gusto niyang maikasal.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Chienna Filomeno breaks silence on GirlTrends’ ‘failed’ dance number on Showtime

Chienna Filomeno breaks silence on GirlTrends’ ‘failed’ dance number on Showtime

Chienna Filomeno breaks silence on GirlTrends’ ‘failed’ dance number on Showtime
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel