Kuwento nila na "Hindi porket may anak, forever na," nagpaiyak sa maraming netizens

Kuwento nila na "Hindi porket may anak, forever na," nagpaiyak sa maraming netizens

- Usap-usapan ngayon ang kuwento nina Jeijei Arabe at partner niyang si Rex Dacanay

- Ito ay matapos ibahagi ni Jeijei ang kuwento nila sa social media

- Maraming netizens ang naiyak at napulutan ng aral ang kuwento nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Binahagi ng isang netizen na si Jeijei Arabe ang kuwento nila ng kanyang partner na si Rex Dacanay.

Agad na nag-viral ang kanilang kuwento sa social media at sa kasalukuyan ay mayroon na itong halos 5k reactions, 3k shares, at 1k comments.

Nalaman ng KAMI na maagang nabuntis ni Jeijei si Rex at ito na rin ang naging dahilan ng mga naging pagsubok sa buhay nila.

"HINDI PORKET MAY ANAK, FOREVER NA. I think I'm ready to break my silence. I'm not doing this for the audience. This post should be an eye opener. Sharing this can help other couples out there. I know that some of you are wondering why I stopped posting our sweet pictures together. Here is my answer," pagsisimula ni Jeijei.

PAY ATTENTION: 20 Funny Wedding Memes That Describe Almost Any Wedding

Inamin ni Jeijei ang mga naging pagkukulang niya sa kanyang partner. Pero nagpapasalamat siya dahil maaga niyang na-realize ang mga pagkakamali niya habang hindi pa huli ang lahat.

"To my wife, 19 years old ako noon nung nakilala kita. 14 years old ka. Bale 5 years ang age gap natin. Wala pa akong balak magseryoso nung time na nagkakilala tayo. Wala pa akong pake sa love basta kapag nagawa ko ang balak ko na kapag may nangyari satin, hindi na kita papansinin. Hindi na ako magpaparamdam sayo ganun. Pero kinontra mo ang lahat. Binago mo ang buhay ko.

"Feeling ko nun parang nahanap ko na yung babaeng katapat ko. Kasi nung first month pa lang tayo, may nangyari na agad satin. Imbis na kalimutan kita, hinabol kita. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit hindi kita kayang pakawalan that time. Sabi ko sa sarili ko "Nakuha ko na yung gusto ko pero bakit naghahabol pa ako sayo?" Hanggang sa tumagal tayo na para bang sobrang komportable na tayo sa isa't-isa. Walang oras na hindi tayo magkausap. Pagandahan ng regalo tuwing monthsary.

"Pahabaan ng message at paunahan bumati. Hanggang sa dumating ang unang pagsubok na sumubok satin. Tumagal tayo ng walong buwan na walang away, may tampuhan pero hindi ganun ka-grabe. Walong buwan, hinding hindi ko yun makakalimutan. Yun yung time na naisip nating mag-anak na. Yun bang parang napakadali lang magka-anak kung pagusapan natin. Parang wala tayong pake kung anong mangyayari bukas basta gusto na natin magka-anak. Lumipas ang isang buwan, bored tayo kaya nag-usap tayo at napag-usapan nanaman natin ang tungkol sa pag-aanak at sabi mo bigla na hindi ka pa ready dahil may napanuod ka sa facebook na mahirap magka-anak.

"Sumangayon ako sayo at sinabi ko na "Ako din naman ayaw ko pa, nag-aaral pa ako eh" Pero bakit ganun? Nung binalak natin, hindi dumating. Nung hindi natin gusto tsaka naman nagkalaman ang tiyan mo. Kinabahan ako nung nalaman kong buntis ka, kasi hindi ko alam kung anong mangyayari kung sakaling ipagtapat ko sa magulang ko ang nangyari.. Hindi ko inisip na mas mahirap pala yun sa part mo. Pero buong loob nating ipinagtapat sa magulang natin ang nangyari. Pero sadly, ako yung pinalayas samin. But luckily, tinanggap ako sainyo. Nagtanim ako ng galit sa mga magulang ko dahil hindi ko sila maintindihan that time. Pinapili nila ako kung pag-aaral ba o papanindigan ko ang ginawa ko.

"Pero habang lumalaki ang anak natin, narerealize ko yung mga pangaral nila sakin. Nag-stop ako sa pag-aaral ko. Nagtrabaho ako, nagsikap at nagbanat ng buto. Nagalit din ako sayo noon dahil sinira mo ang pag-aaral ko. Pero narealize ko na mas marami akong sinira sayo. Katawan mo, pangarap mo, kinabukasan mo at napakadami pa. Pinili kong magtrabaho kahit hindi ko pa kaya. Dun na tayo nagsimulang mag-away ng sobra hanggang sa umabot sa punto na maghihiwalay na tayo. Pero inisip ko yung anak natin at ang sitwasyon mo dahil buntis ka nun. Hindi ako nagpatalo sa galit ko, at mas inintindi kita. Binili ko ang mga prutas na gusto mo dahil naglilihi ka. Hinabaan ko pasensya ko dahil oras oras nagagalit ka.

"Ginawa ko ang lahat para maging masaya ka para hindi maapektuhan ang anak natin. Hanggang sa isinilang mo ang anak natin. Sobrang laki ng pasasalamat ko sayo dahil sa mura mong edad noon naisilang mo ang anak natin ng normal. Nalungkot ka dahil nasira ang katawan mo pero sinasabi ko sayo na yan ang tanda ng sakripisyo mo. Lumipas ang taon, nagfocus ako sa trabaho. Nawalan ako ng time sainyo. Ultimo monthsary natin hindi ko na maalala sa sobrang busy ko. Iniisip ko na hindi na mahalaga yun, ang mahalaga magtrabaho at sumahod para may panggastos tayo. Lagi akong overtime sa trabaho dahil sa mindset ko.

"Sa sobrang ganda ng performance ko sa trabaho siya namang kinapangit ng performance ko sa pagiging ama at asawa. Pero isang araw pag-uwi ko galing trabaho. Naabutan kitang tulog dahil sa pagod siguro. Kinalkal ko cellphone mo. Parang may kumurot sa puso ko. Napamura ako sa nakita ko. Parang nawala ako sa sarili ko. Sobrang naiyak ako sa mga naka-save na picture sa gallery mo. Sinave mo yung mga picture natin nung first monthsary natin na nag-effort ako at sabi mo ay first time mo lang naranasan yun sa buong buhay mo. Halos kada monthsary natin nagcecelebrate tayo lagi. Pero ngayon, hindi na katulad ng dati. Naiyak ako sobra, dahil yung mensaheng gusto mong iparating ay madali kong nakuha. Tulog ka nun at tinitigan kita. Sabi ko, hanggat nasa akin ka pa, papahalagahan kita.

"Mas naiyak ako nung tinitigan ko ang anak natin dahil siya yung gift mo sakin na kahit kailan hindi matutumbasan kahit na anong bagay o halaga man. Pero ako? Anong ginagawa ko? Anong klaseng haligi ako? Matatawag pa ba akong haligi ng tahanan kung ako mismo yung nagpapalambot ng pundasyon sa pamilya kong binuo? Kinalimutan kita. Nakalimutan ko na yung araw na siyang dahilan kung bakit may anak tayo ngayon. Kung bakit merong 'tayo'. Kung bakit may pamilya tayo.

"Wala tayong pamilya kung hindi mo ako sinagot dati. Wala tayong baby kung walang monthsary. Kaya kinabukasan eksaktong monthsary natin. Naghanda ako ng simpleng surpresa para sayo at hindi ko ineexpect na sobrang ikatutuwa mo. Nakita ko na nangingilid ang mga luha mo habang buhat mo ang anak natin. When I saw your reaction, I looked above and whispered to God. "Salamat kasi ginising mo ako bago mahuli ang lahat"

"Simula nun, never na akong nakalimot at palagi na kitang sinusurpresa KAHIT MAY ANAK NA TAYO at sobrang nakakaproud yun bilang isang ama. At dun ko narealize na..

"HINDI PORKET MAY ANAK, FOREVER NA. WAG KANG MAKAMPANTE, DAPAT CONSISTENT KA."

Maraming netizens ang naantig sa kuwento nila. Napatanong pa nga ang iba kung bakit hindi sila makahanap ng ganitong klase ng relasyon.

"yong tipong habang binabasa cu to ii nangingilid luha ka sabay tanong sa sarili cu, anong mali sakin bat di cu man lang maranasan ang ganto"
"Sana. May ganto pang lalake ..kase UNG sakin SA twing. Bibili ako Ng gusto ko kino kontra nya halos. Maiyak ako s twing I susumbat nya skn tapos Ang masakit p Kahit mag kasama kmi ehh pinaparamdam nya son n kulang pako sknya n katawan k lng nmn habol nya DHL s twing mag ksama mahilig Sha n mag papansin s mga babae tinatawan nya n babe sinisipolan nya. Khit harap harap kopa at di ko malimutan ung ni minsan di nya mn lng nabate ako Ng happy. Anniversary satin"
"nakakaiyak . kasi .... hays . sana all"
"Magandang aral sa mga kabataang maagang nagkapamilya.at magandang kuwento na sana mabasa ng mga kabataan."
"You are so wonderful...your wife is so lucky for having you as his man...& you are so lucky to have her in your life...May God continue to Bless you & your Family..."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, humaharap sa reklamong sėxual harassment ang isang Bulgarian boxer na si Kubrat Pulev. Ito ay matapos niya umanong halikan ng sapilitan ang isang Pinay reporter. Umani ito ng samu't-saring reaksyon sa social media.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features Jake Cuenca and his experience about working with Bea Alonzo and Charo Santos! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco

Hot: