Bata, nagpupursige magtinda ng balut sa gabi para makabayad ng graduation fees

Bata, nagpupursige magtinda ng balut sa gabi para makabayad ng graduation fees

- Isang netizen ang nagbahagi ng kuwento ng batang nagtitinda ng balut kung gabi

- Kailangan pa kasi niya ng P150 para sa graduation fees niya dahil siya na lang daw ang di pa nakakabayad

- Dahil sa determinasyon at pagpupursige, binigyan siyang netizen ng P150 para makauwi na at di na magtinda pa sa gabi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng isang netizen ang kuwento ng isang batang naglalako ng balut sa gabi para lamang makabayad ng kanyang graduation fees.

Nalaman ng KAMI na nang makita ng netizen ang batang nagtitinda ng balut, tinanong niya raw ito kung bakit gabi na ay nagtitinda pa at kung may magulang pa ito.

Sagot naman ng bata na patay na ang tatay niya at ang nanay naman niya'y nag-aapply makapagtrabaho sa abroad.

May mga kapatid siya pero may mga sariling pamilya na kaya naiwan siyang magsikap para sa sarili.

PAY ATTENTION: Power Couples Who Are Still Adored By The Public Decades After

Kuwento pa niya na kailangan daw niyang ubusin ang paninda niyang balut para makapag-ipon ng P150 pambayad sa graduation fees dahil sa klase nila, siya na lang daw yung hindip pa nakakapagbayad.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dito na parang nadurog ang puso ng netizen, kaya naman binigyan niya ito ng P150 para di na gabihin sa daan.

Bibigyan pa sana siya ng balut ng bata pero di niya tinanggap ito.

Sabi ng netizen, pinost niya ang istorya ng bata, hindi para pa-fame kundi para sa ibang bata na hingi nang hingi sa magulang at ang iba'y bastos pa.

Sana maging inspirasyon ang istorya ng bata sa iba. Eto po ang naging convo ni ate sa bata.

"7:00pm may tumapat na batang nag titinda ng balot sa harap ng mango graham corner

Bata:ate may tig tu 25 ba yan?

Me:wala e 45 pinaka maliit(umalis na yung bata n)Me:wait lng pabili (bumili ako ng balot ng wala sa oras kahit na hndi ako kumakain )yung binayad ko sa balot dinag dagan nya tapos umili sya ng 45)

Me:san kaba umuuwe?

Bata:sa mayapyap pa po

Me:bakit ang bata mo naman nag titinda ?wla kaba magulang?

Bata:meron po kaso yung tatay ko patay na tapos yung nanay ko nag aaplay sa abroad

Me:ehhh yung mga kapatid mo?

Bata:may mga pamilya napo lahat

Me :san kaba nkaka rating pag nag titinda ka?

Bata:sa aduas po 'pag pupunta ko dto nilalakad ko lng pag pauwe lng ako namamasahe pauwe mayapyap .

Me:de uuwe kana nyan?

Bata:hindi pa po kailangan ko pa po ubusin to e para may pang bayad ako sa grad fee kase yung mga kaklase ko bayad na ako nlng po ang hindi

Me: magkanu ba pang bayad mo?(nalungkot ako)

Bata:150 nlng po kaya uubusin kopo muna ung tinda ko para may pang bayad po ako '

Me: inabutan ko ng 150 sige na uwe kna para hindi kna gabihin ang bata mo pa nag hahanap buhay kana

Bata:maraming salamat po

Sa sobrang awa ko sa bata bumili nako ng balot tapos nung binigyan ko sya 150 bibigyan din nya ko balot sabi ko wag na sayo nayan sana kako maka graduate ka at sana kako hndi ka nag sisinungaling ha? Masama un sa nakikita ko sa bata mukang hindi naman kase mangiyak ngiyak sya

Saludo ako sayo bunso dahil sa idad mo nayan kaya mo na tumulong sa pamilya mo masaya ako natulungan kita sa maka graduate ka apos nag tataka ko sa mga taong gumagawa ng masama para lng mag ka pera di nyo gayahin ung bata nayan ☝️inisip ko lng panu kung sa kaptid ko o sa pamangkin ko mang yari yan ung ulila na parang madudurog puso ko

Para sayo bunsong mag babalot im so proud of you sana sa maliit na halagang naitulong ko e sana malayo marating mo at maka graduate ka godbless ang pogi mo pa naman

Ps::pinost koto hndi para mag yabang lng (dahil hindi ako pa famous) pinost ko to para makita ng ibng bata na hinge dto hinge dun ang alam tapos panay reklamo pa (tapos bastos pa sa magulang )bkit hndi nyo gayahin ang batang to

Dagdag ko lng bakit lapitin ako ng mga ng hihingi tulong hehe ( kanina yung matanda din babae (yung order ko bitso sa online binigay ko na kase parang hindi pa na kain halos everyday pero wla lng sakin kase handa naman akong tumulong sa abot ng makakaya ko"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! Watch it here.

Source: Kami.com.ph

Related news
Binatilyong labis mag-cellphone, sinugod sa ospital dahil sa kakaibang ginawa

Binatilyong labis mag-cellphone, sinugod sa ospital dahil sa kakaibang ginawa

Binatilyong labis mag-cellphone, sinugod sa ospital dahil sa kakaibang naramdaman
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel