Nurse sa Makati City Hall, tumangging pirmahan ang P27M firetruck deal, sinibak
- Isang nurse ang dumulog sa Raffy Tulfo in Action dahil siya'y sinibak sa trabaho
- Ang rason umano'y hindi niya pinirmahan ang Memorandum Receipt na nagkakahalaga ng P27M para sa isang firetruck
- Ginamit ng mga opisyal ang "insubordination" dahil sa di pagpirma ng MR para siya'y masibak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang Valerie, nurse sa Makati City Hall, sa ilalim ng Disaster Risk Reduction and Management Office headed by Richard Raymund Rodriguez, ang dumulog sa Raffy Tulfo in Action upang ireklamo ang pagsibak sa kanya sa trabaho dahil sa "insubordination."
Nalaman ng KAMI na eto ang ginawang dahilan ng pagsibak sa kanya dahil hindi siya pumirma sa isang Memorandum Receipt (MR) na nagkakahalaga ng P27,600,000 para sa isang fire truck deal.
Si Valerie ay LDRRM-Officer 1, at ayon sa salaysay niya kay Tulfo, ang halaga ng MR na mapipirmahan ng isang empleyado ay dapat within lamang sa kanyang sweldo kaya umalma siya nang papirmahin ng ganoong halaga ng MR.
Tinanong siya ni Tulfo kung natanong ba niya kung bakit siya pinapirma ng dokumentong ganun ang halaga.
Sabi ni Valerie, "Noon pa po kasi, alam ko na po talaga, na kapag regular employee ka daw po sa City Government of Makati, binibigyan ka po talaga nila ng responsibility na i-MR yung mga binibili nila."
Yung alam daw po niya, ini-MR yung mga binibili kahit pa na walang kinalaman sa trabaho.
PAY ATTENTION: Forbes Top 10 Wealthiest Celebrities In 2018
Ang firetruck daw ay pangatlo na dahil before ay may naipa MR na sa kanyang chain saw sa halaga ng P300,000 at isang ambulansya na nagkakahalaga ng P2,800,000.
"Itinapon" ngayon si Valerie sa DENR kung saan ang kanyang propesyon bilang nurse ay hindi niya nagagampanan.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Ayon pa sa ina ni Valerie, ilang beses siyang nagtangkang kumuha ng appointment kay Mayora, pero hindi siya napagbigyan. Sabi pa ng ina ni Valerie, si Sir Rodriguez daw ay kaalyado ni Mayora Abigail Binay.
Nang makausap ni Valerie, kasama ang staff ng Tulfo, ang spokesperson ng Makati, na si Atty. Michael Camiña, sinagot niya ang tanong kung bakit pina-MR kay Valerie yung truck, pero si Valerie hindi talaga kumbinsido.
Narito ang kabuuan ng pangyayari hanggang sa makaabot sila kay Usec. Martin Diño.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! Watch it here.
Source: KAMI.com.gh