Netizens, nag-react sa "unexpected friendship" nina Ryan Bang at Angelica Panganiban

Netizens, nag-react sa "unexpected friendship" nina Ryan Bang at Angelica Panganiban

- Pinag-uusapan ngayon ang "unexpected friendship" ng Banana Sundae stars, Ryan Bang at Angelica Panganiban

- Unang ikinuwento uamno ni Angelica ang kanyang pagka-bad trip nang unang makilala si Ryan

- Ibinahagi rin noon ni Ryan sa TWBA ang pagmura sa kanya ng Kapamilya actress

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napag-alaman ng KAMI na marami umano ang hindi makapaniwala sa pagkakaibigan nina Ryan Bang at Angelica Panganiban.

Sa isang random posts ng Kapamilya actress sa kanyang Instagram page, ibinahagi nito ang ilang mga throwback pics ng kanyang Banana Sundae co-star.

Ani pa ni Angelica sa kanyang caption:

“Si @ryanbang naman, first day niya sa banana. Na muntik na niyang maging last. Dahil habang nilalabanan ko ang jetlag, ginising niya ko sa dressing room ko, nagpa picture siya sakin. Pumayag naman ako. Pero nung nakita ko siya sa loob ng studio, nanggigil ako eh!! Naalala ko na siya ang lalake na gumising sakin para mag pa picture!! Sa isip isip ko, artista pala siya... at kasama ko pa!! Lagot sakin to... matatagalan ang pang bubully ko dito. Tsk tsk tsk.. well, hanggang ngayon naman, siya pa din ang kawawa sa grupo. (Paano?! Naging tribute na to para kay ryan)”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maraming mga taon ng nakakaraan sa kanilang hindi masyadong magandang unang pagkilala at hanggang ngayon, ang pagkakaibigan ng dalawa ay lalong umuusbong.

Sa katunayan daw, may nakakaaliw na tawagan pa ang dalawa at ito ay "Mahar," ayon pa sa kuwento ng entertainment.abs-cbn.com.

Kaya naman nag-react ang mga naaaliw na mga netizens at fans ng dalawa sa socmed.

"Baka siya forever niya?"
"Baka sila magkatuluyan?"
"Angelica Bang"
"Mukhang kay Ryan bagsak ni Angelica"
"Sana kayo nalang dalawa. Bagay din naman. Mabait din naman si Ryan."
" Mabuti pa si Ryan na lang makatuluyan ni Angelica. Hindi pa siya sasaktan at iiwan."
"Siya na lang kaya.. Hindi ka luluha siguro.. Ang cute e..."

PAY ATTENTION: 20 Funny Wedding Memes That Describe Almost Any Wedding

Si Angelica Panganiban ang isa sa mga orihinal na cast ng Banana Sundae na nag-umpisa noong October 11, 2008.

Pumasok naman si Ryan Bang sa show noong 2010, pagkatapos makilala sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010.

POPULAR: Read more news about Ryan Bang and Angelica Panganiban here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

As we celebrate International Women’s Month, our team went out to the streets to give flowers to all beautiful, strong women.

Get more exciting, fun, insightful, and inspiring videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lucy Torres, agaw-pansin ang trending throwback photos sa socmed

Lucy Torres, agaw-pansin ang trending throwback photos sa socmed

Lucy Torres, agaw-pansin ang trending throwback photos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel