Lalaki, pinapa-inom ng sleeping pills ang asawa para halayin ang stepdaughter

Lalaki, pinapa-inom ng sleeping pills ang asawa para halayin ang stepdaughter

-12 taon nang kasal ang isang ginang sa kanyang asawa nang madiskubre niya ang sikreto nito

-Apat na taon na pala nitong ginagahasa ang kanyang anak na stepdaughter naman nito

-Ang mas nakapangingilabot pa ay maging ang sarili nitong anak ay binalak rin nitong gahasain

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Apat na taon na palang ginagahasa ng suspek na si Timothy James Stewart ang stepdaughter nito nang madiskubre ito ng ina ng biktima.

Ayon sa ginang, nagtataka siya kung bakit labis siyang nakakaramdam ng pagod tuwing pag gising niya ng umaga.

PAY ATTENTION: 15 Memorable Photos From The Amazing Baby Shower Of Meghan Markle

Kahit ang mga doktor ay hindi maipaliwanag ang kanyang sitwasyon.

Doon na siya nagduda at nadiskubre niyang pinapainom pala siya ng sleeping pills ng asawa.

Ito ay para magawa nito ang kahalayan sa kanyang 12-anyos na anak.

Isang insidente ang nagtulak upang mapagtibay ng ginang ang hinala.

Nagalit raw ang asawa nang hindi na ito tinatawag na "dad' ng kanyang anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Amain, pinapainom ang asawa ng sleeping pills upang maisagawa ang panghahalay sa mga anak nito

Photo source: Google Images / Photo for illustration only
Source: Getty Images

Kinompronta niya ang anak at sinabi naman ng biktima na: "You don't know him. You have no idea who he really is."

Nang tanungin umano siya ng asawa ay sinabi na niya na ang ikinikilos ng anak ay kagagawan rin nito.

Bigla na lamang raw umalis ang suspek sa kanilang bahay at hindi na muli pang bumalik.

Napag-alaman ring pati pala ang kanyang isa pang anak na sariling dugo rin ng suspek ay tinagka ring halayin ng lalaki.

Naaresto naman agad ito at nakuha mula rito ang maraming videos na kinunan nito para sa makamundong hilig nito.

Matapos ang apat na taong pakikipaglaban sa korte ay nahatulan ng 35 na taong pagkakabilanggo ang 45-anyos na suspek.

Ang karanasang ito ay ibinahagi ng ginang sa isang artikulo ng The Sydney Morning Herald.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Live streaming kasama ang Pakistan minister, kinatuwaan dahil sa 'cat filters'

Live streaming kasama ang Pakistan minister, kinatuwaan dahil sa 'cat filters'

Live streaming kasama ang Pakistan minister, kinatuwaan dahil sa 'cat filter'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel