Hinagpis ng ina! Nanay ni Christine Silawan, hinimatay sa libing ng anak

Hinagpis ng ina! Nanay ni Christine Silawan, hinimatay sa libing ng anak

-Puno ng hinagpis, lungkot at pagluluksa ang libing ng pinaslang na si Christine Lee Silawan ngayong Marso 23

-Ngunit higit na maririnig ang mga iyak ng isang inang labis-labis na nananaghoy para sa pumanaw na anak

-Bukod sa napakaraming taong nakipag-libing sa pamilya ay may mga netizens rin na sumubaybay kahit pa nga nasa malayo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakabibinging panaghoy at pagluluksa ang maririnig sa araw ng libing ng pinaslang na dalagang si Christine Lee Silawan ngayong Sabado, Marso 23, 2019.

Ngunit higit na maririnig ang iyak at dalamhati ng isang inang nawalan ng anak.

PAY ATTENTION: Meet Top 20 Wealthiest Families Of The World

Sa pamamagitan ng isang Facebook Live ng Cebu Daily News, marami ang nakapanood sa libing ni Christine.

Bukod sa napakaraming taong nakipaglibing ay marami ring netizens ang nakidalamhati sa pamamagitan ng pagsubaybay sa mga balita kaugnay nito.

Hindi maiwasan ng marami ang malungkot at madala sa lungkot at pagluluksa ng pamilya, kaanak at mga kaibigan ng pinaslang na 16-anyos.

Samantalang ang ina nito na si Lourdes Silawan ay hinimatay sa kalagitnaan ng libing ng anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kinailangan pa itong dalhin sa nakaantabay na ambulansya sa sementeryo kung saan inilibing si Christine.

Marahil, wala nang mas sasakit pa sa sakit ng pagkamatay ng isang minamahal. Lalo pa kung ito ay kinuha sa iyo sa hindi kaaya-ayang paraan at dahilan.

Marami ang sumubaybay sa buhay ni Christine simula nang matagpuan ang malamig na bangkay nito sa isang bakanteng lote sa Lapu-lapu City noong Marso 11.

Lahat ay hindi matanggap ang paraan ng pagkamatay ng napakabatang dalaga na brutal na pinatay at binalatan pa ang mukha.

Sa kasalukuyan, ang dating nobyo nito na isa lamang 17-anyos ang pangunahing salarin sa pagkamatay nito ayon na rin sa mga report ng awtoridad.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
OFW, pinagtaguan si misis dahil minaliit ang pagiging driver niya sa Saudi

OFW, pinagtaguan si misis dahil minaliit ang pagiging driver niya sa Saudi

OFW, pinagtaguan si misis dahil minaliit ang pagiging driver niya sa Saudi
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel