Pinoy James Van Der Beek ng Toronto police, dating Kapamilya actor at Star Magic artist

Pinoy James Van Der Beek ng Toronto police, dating Kapamilya actor at Star Magic artist

- Siya si James Van Der Beek ng Toronto police na dati palang Kapamilya actor at Star Magic artist

- Nakilala bilang si Dondi Aranas ng Gimik at si George ng 'Sa Dulo ng Walang Hanggan'

- Tila sikat pa rin ang dating aktor ngayon pero hindi bilang isang artista kung hindi bilang isang pulis sa Canada

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Spotted ng KAMI ang pag-feature ng dating Kapamilya actor at Star Magic artist na si Don Laurel sa isang kilalang istasyon sa Canada.

Ayon pa sa balita ng CBC News, habang hinuhuli raw niya ang mga magnanakaw ay ninakaw din daw niya ang mga puso ng mga fans na naalala ang kanyang mga serye, shows, at pelikula.

Ilan sa mga teleserye, show, at pelikula na kasama siya ay kinabibilangan ng Gimik, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Anak, Mula sa Puso, at marami pang iba.

Mahigit ng isang dekada na naging isang pulis si Constable Don Laurel sa Toronto Police Service 32 Division.

Ngayon, kinikilala siya bilang ang Filipino James Van Der Beek, ang lead actor ng sikat ng Dawson's Creek, ng Toronto police.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ilang netizens naman ang nagbigay komento tungkol sa naturang report ng news outlet.

"He is happy and contented with his life and that’s the important thing. God bless you, Mr. Don Laurel."
"I remember him because he was one of my crushes back then...Though he never played any lead roles...I get excited whenever he comes on TV!"
"Don Laurel my 4th grade star notebook cover. Hahahaha"
"'Si Don Laurel yung isa sa mga crush ko sa ABSCBN Talent noon. Most memorable sa akin yung FLAMES epsiode nila ni Lindsay Custodio bagay na bagay sila noon. FYI, yung wife niya which is Aurora Halili is also a former Star Magic Artist. Siya yung gumanap na asawa ni Gio ALvarez sa Home Along Da Riles."
"He’s living his dream in Canada."

Si Don Laurel ay mister ng kapwa Kapamilya actress at produkto ng Star Circle 3 na si Aurora Halili.

Ngayon, naninirahan ang mag-asawa kasama ang kanilang mga anak sa Toronto, Canada.

POPULAR: Read more news about Kapamilya actors here

PAY ATTENTION: Pointers To A Healthy Relationship We All Should Know About

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

As we celebrate International Women’s Month, our team went out to the streets to give flowers to all beautiful, strong women.

Get more exciting, fun, insightful, and inspiring videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel