16-anyos na binalatan ng mukha, 'di unang biktima ng ganung krimen ngayong 2019
-Kinumpirma ng PNP na hindi ang 16-anyos na si Christine Silawan ang unang biktima ng brutal na pagpaslang at pagbalat sa mukha
-Noong Enero 2019, isang magsasaka ang napaulat na natagpuang patay at nabalatan ang mukha hanggang dibdib
-Ngunit hindi pa masabi ng mga awtoridad kung iisa ang suspek sa mga pagpaslang sa Cebu
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Hindi ang 16-anyos na si Christine Lee Silawan ang unang nai-report na brutal na pinatay at binalatan ang mukha ayon sa ulat ng Cebu Daily News.
Matapos kumalat ang balita tungkol sa dalagang brutal na pinatay at natagpuan sa isang bakanteng lote sa Lapu-lapu City, isang kaso pa katulad nito ang lumutang.
Isa umanong 62 taong gulang na lalaki ang pinatay at binalatan rin ang mukha hanggang dibdib sa Danao City.
PAY ATTENTION: 15 Rare But Remarkable Images Of The Royal Family
Kinumpirma ito ng Danao City Police. Sinabi ni Superintendent Maribel Getigan, chief ng Danao Police Station na kinilala ang biktima na isang magsasaka na si Trening Batucan.
Ayon sa imbestigasyon, pinatay ang magsasaka matapos itong tumanggi sa mga kagustuhan ng isang notorious na grupo ng mamamatay tao at magnanakaw na kinilalang Buenos Brothers.
Tatlo sa mga ito ay sila Jonas, Jovie, and Junrey na kasama sa mga listahan ng most wanted sa Carmen.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Ayon sa nakuhang impormasyon ng mga pulis, gumawa na ng grupo ang mga ito sa mga remote area sa lugar.
“Based on the accounts of residents from the hinterland villages, these Buenos Brothers pillage farmers’ lands. And if the farmers refuse to cooperate, they will kill them,” ayon kay Getigan.
“They are former rebels but instead of being law-abiding citizens, they spread fear among the mountain barangays in Danao City and Carmen. This is also one of the reasons why farmers leave the mountains recently,” dagdag nito.
Sabi pa sa report, dalawang araw matapos matagpuan ang bangkay ng magsasaka, nagkaroon ng shootout sa pagitan ng mga pulis at ng tatlong suspek kung saan napatay sina Jovie and Junrey.
Habang si Jonas ay kasalukuyang nagtatago pa rin sa isang barangay sa kabundukan ng Danao City.
Dahil pareho ang pagpatay sa magsasaka at sa dalagang natagpuan noong Lunes, inaalam pa kung may koneksyon ang dalawang kaso ayon din kay Getigan.
Samantala, tatlong lalaki ang itinuro ng isang lumutang na saksi na siyang may gawa ng krimen kay Christine na una nang naiulat ng .
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh