Boyfriend na nagpaaral kay GF, nag-viral at nagpaiyak sa maraming netizens

Boyfriend na nagpaaral kay GF, nag-viral at nagpaiyak sa maraming netizens

- Nag-viral kamakailan ang inspiring na kuwento ng magkasintahan na sina Ador Adrian Gabrieles at Aira Arcamo

- Binahagi ni Ador kung paano niya itinaguyod ang pag-aaral ng kanyang girlfriend na si Aira

- Maraming netizens ang naiyak sa nakaka-touch nilang kuwento

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi biro ang magpaaral lalo na ang makapagpatapos sa kolehiyo. Itinuturing itong kayamanan ng kahit na sinong tao.

Kaya naman naging usap-usapan sa social media ang kakaibang kuwento ng magkasintahan na sina Ador Adrian Gabrieles at Aira Arcamo.

Nalaman ng KAMI na binahagi ni Ador sa kanyang Facebook account ang kuwento nila ni Aira.

Ibinahagi niya ang mga paghihirap at sakripisyo na kanyang pinagdaanan upang matustusan ang pag-aaral ng girlfriend niya.

Nagsimula si Ador bilang bagger sa isang supermarket pero sinikap niya na maging bihasa sa wikang Ingles para matanggap sa call center.

"Naglakas loob akong mag-apply sa iba't-ibang klase ng kumpanya. Ilang beses din akong bumagsak sa initial interview palang. Hanggang sa napunta ako sa kauna-unahang BPO Company ko," saad ni Ador.

Kaya naman ngayon na malapit nang grumaduate sa kolehiyo si Aira, sobrang proud talaga si Ador at makakamit na ng kanyang girlfriend ang mga pangarap niya sa buhay.

Saad pa ni Ador, mayroon din daw mga humusga sa ginawa niya at sinabi pa na balang araw ay iiwan din siya ni Aira.

"Maraming nanghusga. Maraming nagsasabi na tanga daw ako, na kapag grumaduate daw si Aira, maiiwan ako. Na kapag may nahanap daw sya na lalaking mas maganda ang trabaho sa akin, ay magiging mag-isa na lang ako," paliwanag niya.

Pero hindi siya nagpadala sa mga ito, sa halip ay lalo pa siyang nagsikap sa buhay para mabigyan ng magandang kinabukasan ang girlfriend niya.

"Tuwing tinatanong nila ako kung anong dahilan bakit ko sinusuportahan ang girlfriend ko, eto lang ang palaging sinasagot ko "May kakayanan ang magulang ni Aira na paaralin sya.

"Engineer ang papa nya at Teacher ang mama nya. Gusto kong makita nila kung gaano ko kamahal ang girlfriend ko. Na kahit ganito lang ako, ay kaya kong maging isang mabuting partner sa anak nila.

"Nais kong magkaroon ng magandang imahe ng isang mapagmahal na nobyo, may pangarap na asawa, at huwarang ama sa mga magiging anak namin sa mga mata nila."

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens sa social media.

"iba ka talaga pareng Ador naiiyak ako kasi mababa luha ko"
"Nakakaiyak congrats ate Aira Arcamo napakaswerte mo po sa partner mo"
"Waaaah super touching"
"Ganto yung dapat finifeature sa Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho)"
"Sana d ka iiwan after all"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, naging usap-usapan sa social media ang isang video kung saan makikitang ginugulpi ni misis ang kanyang mister. Lumabas na ang tunay na dahilan sa likod ng pananakit ni misis. Umanit ito ng samu't-saring opinyon mula sa mga netizens.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features Kapamilya love team Liza Soberano and Enrique Gil as they play a 'firsts' game together! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate picks

Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate bets

Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate picks
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel