11 anyos na ginahasa at nabuntis ng kinakasama ng lola, nais na lamang ipalaglag ang sanggol
-Isang 11 anyos na batang taga Argentina ang nagahasa at nabuntis ng kinakasama ng kanyang lola
- Humiling ang ina ng bata na ipalaglag na lamang ang pinagbubuntis ng anak dahil sa pasok ang dahilan nitong siya ay nagahasa sa pagpapalaglag sa kanilang bansa
- Tila nahuli raw ang kahilingang ito ng ina kaya na naman huli narin ang desisyon ng korte na payagan ang abortion sa bata
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Napilitang ipanganak sa pamamagitan ng cesarean section ang sanggol na dinadala ng isang 11 anyos na bata mula sa Argentina.
Ayon sa CNN, biktima umano ng panggagahasa ang bata ng kinakasama ng kanyang lola.
Humiling ang ina nito sa awtoridad na ipatanggal na lamang ang sanggol sa sinapupunan ng anak dahil sa pasok naman ang dahilan upang isagawa ito.
Ngunit, natagalan di umano ang pagproseso ng kahilingan hanggang sa lumaki na ng tuluyan ang tiyan ng bata.
Nalaman ng KAMI na umabot na ng 23 na linggo ang sanggol sa sinapupunan at sinabi ng doktor na si José Gijena, na magsasagawa sana ng abortion na magiging delikado naman ito sa kalagayan ng 11 anyos na ina.
Dagdag pa ng doktor, kung sakaling tinuloy niya ang paglalaglag sa sanggol panibagong "torture" na naman ito para sa batang ina. Dahil dito, nagsagawa siya ng tinatawag na micro C-section.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Nailbas ang sanggol ngunit maliit ang tiyansa na mabuhay ito.
Samantala, taliwas sa sinasabi ng ina ng 11 anyos na bata na isang buwan ang nakaraan nang humiling siya ng abortion para sa dinadala ng anak, nitong Lunes lamang, Pebrero 25 ginawa ang kahilingan ayon sa health minister of Tucumán na si Rossana Chahla.
"I want to tell you and inform you that the health care system never obstructed, nor delayed the abortion," paliwanag ni Chahla.
Naging magulo ang pagdedesisyon sa pagsasagawa ng pagpapalaglag dahil sa isa pang anggulo ng kwento na lumabas kung saan ang mismong Eva Peron hospital na pinagdalhan sa bata ay tumangging isagawa ito.
Martes nang lumabas ang desisyon na payagan ang bata sa kahilingan ng ina.
Ayon kay Fernanda Marchese, executive director of ANDHES, isang local rights group, nawalan daw ng karapatan ang bata sa nangyari.
"The unwarranted delay to a legal abortion violated the girl's right to health, her autonomy, privacy and intimacy, revictimizing her," ayon naman sa grupong National Campaign for the Right to Legal, Safe and Free Abortion.
Malinaw na kinukundina nila di umano ang medical institution na 'sapilitang' pinaanak na lamang ang bata.
Naging mainit na usapin ito lalo na sa mga human rights group sa kanilang bansa.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?
Challenging LizQuen Fans | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh