Isang ina, ibinahagi ang nakakakilabot na epekto ni "Momo" sa 2 anak

Isang ina, ibinahagi ang nakakakilabot na epekto ni "Momo" sa 2 anak

-Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ng isang nanay ang mga naging epekto ng viral na Momo challenge sa kanyang mga anak

-Ayon sa post nito, takot na takot at napatakbo sa kanya ang kanyang anak nang banggitin niya si Momo

-Samantala, sa video, ibinahagi rin niya kung paano niya ipinaliwanag ang seryosong usapin na ito sa kanyang dalawang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pamamagitan ng social media, ibinahagi ng netizen na si Caiarama Ashby, isang ina, ang mga naging epekto ng viral na Momo challenge sa kanyang mga anak.

Isang video ang kasama sa post nito kung saan makikitang kinakausap niya ang dalawang anak na takot na takot kay Momo, ang Japanese creature na mula sa Japan.

Ayon sa post ni Caiarama, napanood raw ito ng kanyang 7-anyos na anak sa eskwelahan kung saan kasama nito ang ilang kaklase at bigla na lamang lumabas mula sa pinapanood ng mga ito.

Sabi raw ni Momo ay huwag papatayin ang video kung hindi ay papatayin ang kanilang mga magulang pag dating ng gabi kaya patuloy silang nanood.

Nang kausapin niya raw ang anak ay nakiusap pa itong huwag nang banggitin pa ang pangalan ng nakakatakot na si Momo at lumipat na sila ng bahay!

Samantalang ang kanya namang 5-taong-gulang na anak na babae ay napatakbo sa kanya nang banggitin niya si Momo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil rito, ipinaliwanag ni Caiarama ang seryosong usapin sa kanyang dalawang anak na maririnig rin sa video.

Ibinilin na rin nito sa mga anak kung ano ang dapat na gawin ng mga ito sa oras na bigla na lamang lumitaw muli si Momo habang nanonood ang mga ito.

Kaya naman nagbigay na rin siya ng babala sa mga magulang at sa lahat ng netizens na bigyang pansin ang mga aktibidad ng mga bata sa internet.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone