Baklang di umano'y kidnapper, umamin kung nasaan at kung ano ang ginagawa sa mga bata

Baklang di umano'y kidnapper, umamin kung nasaan at kung ano ang ginagawa sa mga bata

- Isa na namang di umano'y kidnapper ang nahuli sa Antipolo

- Umamin ito kung saan dinadala at kung ano ang ginagawa sa mga bata

- Sa kabila ng pagkakahuli sa ilan na mga nangunguha umano ng bata, buong tapang paring nagagawa ito ng ibang grupo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang muli na namang nahuli na nangunguha umano ng bata. Panay babae ang kadalasang nahuhuling kidnappers, Ngayon, pati bakla ay timbog bilang isa sa mga miyembro ng sindikatong nangunguha ng mga bata.

Timbog ang isang beki na muntik na umanong makabiktima ng bata sa Gate 1 sa Antipolo.

Ayon sa post ng Raffy Tulfo supporters, orihinal na post daw ito ng netizen na si Emie Banigan.

Nalaman ng KAMI na umamin ang bakla na sa Zambales dinadala ang mga nakukuhang bata.

Binebenta raw nila ang mga bata sa mga foreigners. May pagkakataon ding binebenta ang mga laman-loob ng batang kanilang naki-kidnap.

Tumugma naman ang mga pahayag na ito sa mga nailahad ng ilang nahuling kidnappers na una nang naibalita ng KAMI.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bagaman at unti-unti na silang nahuhuli, mainam na mag-ingat pa rin ang mga bata at huwag hahayaang mag-isa ang mga ito sa kalsada. Target kasi ng mga kidnappers ang mga batang pakalat-kalat sa lansangan na walang nakatatandang kasama.

Matapang talaga ang ibang grupo. Kahit may mga nahuhuli na ay patuloy pa rin sa kanilang gawain.

Napansin nga ng ilang netizens na marahil kaya dumarami na ang mga kidnappers dahil sa wala nang gaanong droga na dati nilang di umano'y pinagkakakitaan.

Tulad na lamang ng pahayag ng unang kidnapper na tumuga ng kanilang gawain. Maaari ka raw kasing kumita ng ₱10,000 hanggang ₱50,000 depende sa transaksyon. Pag malinis at may hitsura ang bata, mas mahal ang benta.

Samantala, galit na nagkomento ang ilan pang netizens dahil nga sa gawain ng mga sindikatong tulad nito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sana iparamdam u sa knila kung gaano kasakit mawalan ng anak..organ pala gusto nila...kunin nila ang organ ng mga ito at ipakain sa kanila!"
"Grabe, wag ikulong yan, sila ang kunan ng laman-loob."
"manlaban kau pls lang para dretso na kau sa hukay..wala ng droga mabenta kaya iba na nman ang modus hayop na mga yan sarap sagasaan ng bollduzer!"
"ibalik kc ang death penalty pra matakot yang mga demonyong yan....puro adik lng ang pinapatay eh baket hindi isama tang mga demonyong yan ...mkakalaya pa yan eh ..kawawa nmn yng mga nbibiktima ng mga salot na yan "
"nagiging talamak na yang mga nangunguha ng bata. sana yang mga kidnappers na yan hatulan ng matinding parusa na hindi na sila uulit pa sa ganyang gawain. at dapat paaminin hanggang matunton sino ang mastermind."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica