Sahod ng mga guro ng pampublikong paaralan, dodoblehin gaya ng sa mga kapulisan

Sahod ng mga guro ng pampublikong paaralan, dodoblehin gaya ng sa mga kapulisan

- Isusunod na raw ng Pangulong Duterte ang pagdodoble ng sahod ng mga guro ng pampublikong paaralan

- Sinabi niya sa isang campaign rally sa Cebu city na "hintay-hintay" lang ang mga guro dahil gaya ng ginawa ng pangulo sa sweldo ng mga pulis, di lamang niya tinaasan kundi dodoblehin pa niya ito

- Inamin ng pangulo na wala pang budget sa ngayon upang maisakatuparan ang pangako niyang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbigay muli ng pag-asa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga guro ng pampublikong paaralan nang sabihin niyang susunod na silang dodoblehin ang sweldo gaya ng ginawa sa mga kapulisan at mga sundalo.

Ayon sa Manila Bulletin, muling nabanggit ng pangulo ang kanyang 'pangako' sa mga guro ng pampublikong paaralan sa isang campaign rally na ginanap sa Cebu city noong Linggo, Pebrero 24.

“For the teachers, just wait a little because we don’t have the budget for that yet. But your salaries will be doubled just like with the police. My mother was a teacher too,” sabi ng Pangulo sa wikang Bisaya.

Matatandaang nito lamang Enero, nasabi na ni Digong na di lang tataasan kundi dodoblehin niya ang sahod ng mga public school teachers gaya ng nauna na niyang nagawa sa mga pulis at mga sundalo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinabi pa ni Duterte na nakipag-usap na siya kay Budget Secretary Benjamin Diokno ukol sa nakalatag na salary increase ng mga guro ngunit aminado silang naging prioridad nila ang mga pulis at sundalo dahil sila umano ang nagsisilbing taga-protekta ng ating bansa.

Hayagan din nilang sinabi na wala pang sapat ng budget para sa adjustment na gagawin sa sahod ng mga public school teachers.

Nilinaw naman ni Diokno na talagang magkakaroon ng salary increase ang mga naninilbihan sa gobyerno bilang bahagi ng fourth tranche ng Salary Standardization Law.

Agad naman di umanong magkakaroon ng adjustment sa oras na mapirmahan na ang budget bill at ito'y tuluyan nang maisabatas.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: