Mister at kabit, sinugod si misis sa trabaho, iniskandalo at sinampal pa

Mister at kabit, sinugod si misis sa trabaho, iniskandalo at sinampal pa

- Isang anak ang dumulog sa Raffy Tulfo in Action at inireklamo ang amang may kabit

- Hindi raw sila pinapadalhan ng sustento ng ama dahil sa babae at tinatakot pa sila nito

- Ang kanyang ina, sinusugod ng kabit sa trabaho, iniiskandalo at sinampal pa ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Halos hindi makapaniwala si Raffy Tulfo sa narinig na mga rebelasyon ng mag-ina tungkol sa babae ng tatay nila.

Nalaman ng KAMI na si Jun Dulay ay isang OFW sa Saudi at may kabit siya doon na si Joy Divina Detera.

Ayon sa salaysay ni Jolina Dulay, hindi raw sila pinadalhan ng ama at tinatakot pa raw sila ng kabit ng ama na isang sabi lang niya ay di na sila susustentuhan ng tatay nila.

Nang nakausap si Jun, sinabi niyang sinusulsulan lang daw ng nanay si Jolina.

Nakausap din ni Tulfo si Emily Dulay, legal na asawa, at isa ring OFW sa Saudi.

Dito na nalaman na sinugod pala si misis ni mister kasama ang kabit at nagawa pang sampalin ni kabit si misis.

Dinepensahan pa ni kuya ang kabit niya na kesyo unang sinampal ni misis si kabit.

Sagot ni Tulfo, natural na reaksyon iyon dahil kahit martir pa raw na misis, kapag sugurin ng kabit ay talagang magre-react.

Dahil sa iskandalong ginagawa ng kabit, nagalit na ang supervisor ni misis at pinagbantaan na siyang paaalisin sa trabaho dahil sa gulo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa huli, ninais ng anak at ni Misis na ipa-deport na ang ama. Dapat daw ang perang makukuha niya sa kumpanya ay mapupunta sa mga anak niya sa legit na asawa at hindi sa kabit.

How well can they imitate their celeb idols? LizQuen fans accept the LizQuen challenge and many of them nailed it! Check out the video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan

Pinoy contestant sa sikat na singing reality show ang The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan

Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel