Babaeng nanganak sa CR, pinatay ang sanggol at isinilid sa bag

Babaeng nanganak sa CR, pinatay ang sanggol at isinilid sa bag

-Pinatay ng sariling ina ang kanyang anak na sanggol ilang minuto pagkatapos itong isilang

-Ayon sa ulat, itinago ng babae ang kanyang pagbubuntis sa asawa at pamilya

-Isang matinding dahilan ang naisiwalat kung bakit niya nagawa ang krimen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na naitago pa ng isang 26-anyos na babae mula sa Baguio City ang krimen na kanyang nagawa sa sariling anak.

Ayon sa ulat ng GMA News, pinatay ng babae ang kanyang anak matapos niya itong ipanganak.

Sa inisyal na imbestigasyon, itinago umano ng suspek ang kanyang pagdadalang-tao mula sa asawa at pamilya dahil iba ang ama nito.

Idinahilan umano ng babae na may sakit siya kaya lumalaki ang kanyang tiyan.

Papunta sana sa ibang probinsiya ang suspek kasama ang ilang kaanak nang abutan ito ng pananakit ng tiyan. Nagpunta ito sa CR at doon na ipinanganak ang bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang makabalik ang mga ito sa Baguio ay sumakit muli ang tiyan ng babae kaya dinala na ito sa ospital.

Doon na nadiskubre ang nagawanag krimen nito. Napansin ng doktor na tila bagong panganak ang babae.

Nang tanungin ito kung nasaan ang sanggol nito ay hindi na ito sumagot. Kaya naman napilitan nang tignan ng mga ito ang bag ng babae.

Sa loob nito, nadiskubre ang wala ng buhay na sanggol. Ayon sa ulat, suffocation ang ikinamatay nito na lumabas sa autopsy.

Sasampahan ng kasong Infanticide ang suspek.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinoy contestant sa sikat na singing reality show ang The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan

Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan

Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel