Misis, halos atakihin sa galit kay mister at kabit nito na OFW sa Dubai

Misis, halos atakihin sa galit kay mister at kabit nito na OFW sa Dubai

- Isang panibagong kuwento ng pagtataksil ng isang mister na OFW sa Dubai

- Hindi napigilan ni misis ang kanyang emosyon at galit sa tanggapan ng 'Raffy Tulfo in Action'

- Nag-viral talaga ang kuwento nila at umani ng maraming komento sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naguumapaw ang tensyon sa programa ng 'Raffy Tulfo in Action' matapos idulog ni Ariane Ferrera ang kanyang mister na si Jonathan Ferrera.

Nalaman ng KAMI na si Jonathan ay isang OFW sa Dubai, pati na rin ang inirereklamong kabit nito na si Irene Sanpalay.

Ayon sa kuwento ni Ariane, pakiramdam daw niya ay walang malasakit si mister sa kanilang mag-iina.

Kulang daw ang sustentong pinapadala nito pero nabuking niya ang mga larawan nila ng kabit na si Irene na kumakain pa sa mga restaurants.

Kasalukuyang kakauwi lang ng Pinas ni Jonathan pero hindi ito umuwi sa kanyang pamilya.

Daing pa ni misis, kunsintidora raw ang ina ni Jonathan kaya labis-labis talaga ang kanyang sama ng loob.

Narito naman ang mga reaksyon at komento ng netizens matapos mapanood ang kuwento nila.

May mga nakakaunawa sa galit at pagtatalak ni misis. Normal lang daw ito dahil hindi biro ang ginawang panloloko sa kanya.

"Dont cry for this useless man..find a job ..be strong..walangkwentang lalaki yan..you will see you will be happy at the end."
"Dubai, Land of Kabits. promise i was there. Ka flatmates nag kakabitan. nagsusuportahan sa kabits. LAND LORD KO KABIT KO ALAMS NA. uuwi sa pinas kunwari para dun nabuntis pero ang katotohanan sa dubai nabuntis hahah"
"Mga byenan tlga impakta bhira mkakita ng byenan mabait kramihan dyan mgging kaaway mo dahil sa pera"
"Nagbubunganga si misis sa sobrang sama ng loob niya"
"Go go go legal wife turoan mo ng leksyon ang mga asawang babaero at ang mga babaing makating kabit....go go ipaglaban mo ang karapatan mo."
"ito namn mga judges .tandaan nyo hnd mgmumura at mgbubunganga ang bbe kung maayos ang lalake lalo n kung hnd pinabbyaan ung ank at mgsustento ng maayos.just saying."
"may karapatan na maging bungangera ang babae..dapat talaga maging matapang ang mga legal wife..."
"ung mga nagsasabing bungangera ung complainant natural xa ung agrabyado, kahit kau ang lumagay sa lugar nya plus pa nakkita nya ung mga anak na wala makain at gatas.. sana lumugar kau sa lugar nya baka mas malala pa gagawin nyo.."
"Aq na naaawa sa sitwasyon ni sir raffy tulfo. Hirap makinig ng ganyan. Bakas sa mukha nia na stress na"

Pero mayroong mangilan na pinuna ang pagtatalak ni legal wife.

"Bungangira ka pla eh kaya ayaw sayo ng asawa mo!!! Ayan lumitaw ugali mo kainis ugali mo girl.."
"Sa totoo lng na bwesit aq sa bunganga ng girl kahit sana kay tulfo rspect nlang.. kausap na nga bakit sigaw ng sigaw"
"Dito natulala ng bongga si Sir Raffy"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, isang mister ang humingi ng tulong sa tanggapan ng 'Raffy Tulfo in Action.' Nagtaksil daw si misis sa kanya at pinagpalit siya sa isang ex-convict. Handa raw niyang tanggapin muli si misis kahit sobrang sakit ng mga ginawa nito sa kanya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features the fans of Kapamilya love team LizQuen as they are given sets of tricky questions that they have to answer after watching Alone/Together! This video is very funny and entertaining! Check out our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel