Nahuling kidnapper, isiniwalat modus ng sindikatong nangunguha ng mga bata para ibenta

Nahuling kidnapper, isiniwalat modus ng sindikatong nangunguha ng mga bata para ibenta

- Isang kidnapper ang nahuli pagkatapos niyang tinangkang tangayin ang isang bata

- Nasagip ng mga kapitbahay ang nasabing bata at dito na nahuli ang suspek

- Sa presinto, maraming isiniwalat ang matandang babae tungkol sa sindikato na nangingidnap umano ng mga bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang matandang babae ang hinuli ng mga kapitbahay pagkatapos niyang tinangkang kunin ang isang bata sa Parañaque.

Nalaman ng KAMI na ang matandang si Lilibeth Bustamante ay tatangayin sana ang 10-taong gulang na batang babae.

Galit na galit ang ina sa babae nang magkaharap na sila sa barangay dahil sa binalak gawin ng matanda sa anak niya.

Sa video ng Bandila, kinuwento ng bata na nasa labas siya ng bahay nang pilit siyang hatakin ni Lilibeth at sigurado siyang si Lilibeth iyon dahil tandang-tanda niya ang pulang relong suot ng matanda.

Buti na lang at lumabas ang isa nilang kapitbahay na tinawag ang bata kung kaya't pinakawalan siya ni Lilibeth.

"Hinawakan niya pong kamay ko pong mahigpit. Tapos po nagpapasama po siya kung saan iyong may ma-loadan. Saktong lumabas yung kapitbahay namin..." kuwento ng biktima.

Nahuli ng mga tanod si Lilibeth at walang kagatol-gatol na inamin niya ang tangkang pagdukot sa bata.

Ayon sa nahuling kidnapper, "Kumapit lang kasi ako sa patalim. Kung sa una-una walang trabaho yung asawa ko."

Isiniwalat ni Lilibeth na kasabwat lamang siya sa grupo at may nangunguha talaga ng mga bata.

Target daw ng nasabing grupo ang mga batang 12 years old pataas.

"Lookout lang ako, pero yung isa talaga yung kumukuha ng bata."

"Ipinapasok nila po sa cyber..., sa pedo....., yung mga nauna nilang victim, binebenta po nila sa casa."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod dito, nag-aalok din si Lilibeth ng pautang pero front lang daw nila ito sa modus na pagdukot ng bata.

Pinaalalahanan ng barangay ang mga magulang na pagkaingatan ang kanilang mga anak para hindi maging biktima ng ganitong krimen.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

How well can they imitate their celeb idols? LizQuen fans accept the LizQuen challenge and many of them nailed it! Check out the video.

Source: Kami.com.ph

Related news
"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan at nakipag-intrigahan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel