4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at sa ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at sa ina dahil sa matinding dahilan

-Lumapit ang isang ginang sa programang Wanted sa Radyo upang humingi ng tulong para makita ang kanyang anak na ipinagkakait sa kanya

-Ngunit may matindi palang dahilan ang kanyang ina para ipagkait sa kanya ang mga anak

-Maging si Raffy Tulfo ay hindi rin sang-ayon rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog ang ginang na si Ma. Theresa Coñado sa programang Wanted sa Radyo para humingi ng tulong na makita ang kanyang mga anak.

Hindi raw kasi siya pinapayagang makita ng kanyang ina na makita ang 11 at 4 na taong gulang niyang mga anak.

Ngunit may isa palang matinding dahilan kung bakit hindi hinahayaan si Theresa na basta makalapit sa kanyang mga anak.

Napag-alaman kasi mula sa social worker ng DSWD na si Timotea Gadapan na minolestiya umano ang 4-anyos na anak na lalaki ni Theresa.

Ang suspek ay ang kinakasama ni Theresa na si Ramil Liro na mariin naman nitong pinabulaanan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Depensa nito, palaging kasama ni Theresa ang anak nito samantalang siya ay gabi naman na umuuwi sa kanilang tinitirahan.

Hindi naman makapaniwala ang ginang sa natuklasan bagamat nais rin niyang makulong ang kinakasama sakaling mapatunayan ang krimen nito.

Gusto na lamang niya na makita ang kanyang mga anak ngunit ito ay may supervision ng mga awtoridad.

Pinatunayan ng NBI at ng mga doktor na minolestiya talaga ang bata at ayon pa kay Gadapan ay may senyales ito ng trauma.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone