Kapatid ng lalaking pinabayaan umano sa ospital, inilahad ang totoong nangyari rito
-Desidido ang pamilya ni Gembe Casas, ang lalaking nag-viral matapos makuhanan ng video na duguan sa isang ospital sa Cebu, na magsampa ng kaso
-Una nang lumabas na sangkot umano ang lalaki sa ilegal na droga na pinasinungalingan ng pamilya nito
-Nais ng pamilya nito na makasuhan ang mga pulis na bumaril sa binata, maging ang ospital na nagpabaya umano rito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Inilibing na si Gembe Casas, ang lalaking nag-viral matapos makuhanan ng video sa isang ospital na duguan at nag-aagaw buhay.
Una nang naibalita na nabaril ang binata dahil sa pagkakasangkot nito sa droga na pinasinungalingan ng pamilya nito.
Ayon sa report ng Cebu Daily News, desidido ang pamilya ni Gembe na magsampa ng kaso laban sa mga pulis na sangkot sa pamamaril, maging ang mga staff ng Tuburan District Hospital na nagpabaya umano sa binata noong gabi ng February 8.
Sa panayam ng CDN sa kapatid ni Gembe na si Redelito, sinabi nitong kasama niya ito sa isang pampasaherong tricycle noong gabi ng insidente nang may humarang sa kanilang mga pulis bandang Sitio Toong, Barangay Cogon.
Bigla na lamang umanong tumalon ang kapatid mula sa tricycle. Tinawag umano ito ng mga pulis.
Sinabi pa nitong tatlong pulis ang nakita niyang nasa loob ng mobile, dalawa rito ang lumabas.
Iginiit rin nito na walang dalang sandata ang kapatid taliwas sa report ng mga pulis na armado ito at nanlaban.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Ayon pa kay Redelito, narinig niyang nagmamakaawa ang kapatid ngunit patuloy itong pinagbabaril ng mga pulis.
Hindi na rin niya namukhaan pa ang mga pulis dahil nakasuot umano ang mga ito ng face mask at naka-jacket ng itim.
Samantala, sabi naman ni Chief Insp. Arvin Luay ng Provincial Internal Affairs Service Office, iimbestigahan nila ang pangyayaring ito.
Ang abogado naman na si Vincent Isles ng Cebu Action Group ang siyang tumutulong sa pamilya Casas sa paglaban para sa hustisya.
Si Gembe, 23 taong gulang, ay isang construction worker.
Una nang naibalita ng ang aktwal na video nito kung saan makikita itong hirap na hirap at nag-aagaw buhay.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh