"Taong lumot" sa ilalim ng tulay, nanggagambala umano sa mga tao roon

"Taong lumot" sa ilalim ng tulay, nanggagambala umano sa mga tao roon

-Isang masamang elemento umano ang naninirahan at nanggagambala sa mga taong naninirahan sa ilalim ng tulay sa Osmeña Highway

-Tinawag nila itong "taong lumot" at ayon sa isang residente doon ay nangunguha umano ito ng buhay

-May mga tao na rin umanong makakapag-patunay rito na nakita rin umano ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May isang klase ng masamang elemento umano ang naninirahan at nanggagambala sa mga residente sa ilalim ng tulay sa Osmeña Highway.

Tinawag nila itong "taong lumot" na ayon sa kanila ay nangunguha rin umano ng buhay.

Isang residente doon ang nakapanayam ng programang Reel Time kaugnay nito. Si Maricel Andres, na sinasabing ilang beses na ring nakita at naramdaman ang taong lumot.

Ayon kay Maricel, mismong asawa niya ay nabiktima na rin nito at takot na takot umano ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Itinututro ring salarin ang taong lumot sa pagkamatay ng kanyang pamangkin na nalunod ngunit ayon kay Maricel ay hinila umano nito.

Katunayan ay may mga bakas pa umano ng kuko ang balat ng kanyang pamangkin at dugo ang isinuka nito imbes na tubig.

Madalas rin daw maramdaman ng mga residente doon ang presensiya ng taong lumot at may ilan sa kanila na nakita na ito mismo ayon kay Maricel.

Samantala, ang 93-anyos na si Estella Vergara naman ay sinuportahan ang mga sinabi ni Maricel at sinabing mayroon umanong babaeng mahaba ang buhok na nagpapakita roon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel