7 Inspiring Pinoy celeb couples na hinahangaan ang long and lasting love

7 Inspiring Pinoy celeb couples na hinahangaan ang long and lasting love

Sa araw ng mga puso ay muling sinilip ng KAMI ang pito (7) sa mga inspiring at hinahangaan na Pinoy celebrity couples dahil sa kanilang long and lasting love.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. Jinkee Pacquiao at Manny Pacquiao

Isa sa mga minamahal at hinahangaan na Pinoy celebrity couples ay ang mag-asawang Jinkee Pacquiao at Manny Pacquiao.

Marami ang na-inspire sa kanilang pagmamahalan dahil sa loob ng kanilang halos dalawang dekada na pagiging mag-asawa ay nag-umpisa sila sa baba at ngayon ay isa na sa mga pinakayaman sa bansa.

2. Marian Rivera at Dingdong Dantes

Ang Team Dantes o ang The Dantes Squad naman ay mayroon ding milyon na mga followers at supporters at ito ay simula pa noong magka-love team pa sila Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Hanggang sa pagkakakaroon ng pangalawang baby soon.

3. Carmina Villaroel at Zoren Legaspi

Sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi ay isa rin sa pinaka-love na showbiz couples dahil sa kanilang nakakahangang pag-iibigan.

Mula sa cute na tawagan nilang Nanay at Tatay hanggang sa pagkakaroon ng gwapo at magandang kambal na sina Mavy at Cassy.

4. Cheska Garcia at Doug Kramer

Halos dalawang dekada rin ang pag-iibigan nina Cheska at Doug Kramer, na naging mga instant internet superstars kasama ang kanilang pretty at pogi celebrity babies.

Minahal at sinubaybayan ang mga vlogs ng Team Kramer sa online world.

5. Lucy Torres at Richard Gomez

Ang Adonis ng Philippine Entertainment na si Richard Gomez at ang Dyosa na Heredera na si Lucy Torres ay isa rin sa mga celebrity couples sa bansa na talaga namang marami rin ang mga followers at nagmamahal.

Mahigit dalawang dekada na sila ngayong April na kasal at lalo silang hinangaan dahil sa kabila ng yaman ay nanatili pa rin silang mapagkumbaba at simple.

6. Toni Gonzaga at Paul Soriano

Isa pang celebrity couple na talaga namang hinangaan mula't simula dahil sa kanilang wagas na pag-iibigan at pagiging magandang halimbawa sa lahat ay sina Toni Gonzaga at Paul Soriano.

Hanggang sa pagdating ng kanilang unico hijo na si Seve na marami na ring mga fans.

7. Iya Villania at Drew Arellano

Hindi rin maikakaila ang magandang relasyon nina Iya Villania at Drew Arellano na ngayon ay masaya kasama ang kanilang dalawang lalaking anak.

Ibinahagi namin kamakailan lang ang matapang na ginawa ni Iya para sa kanyang anak sa loob ng eroplano papuntang Singapore.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to make our fellow Pinoys 'Guess The Celebrity By A Clue.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel