Isang Chinese, inaresto nang umano’y mang-hipo sa 3 estudyante sa theme park

Isang Chinese, inaresto nang umano’y mang-hipo sa 3 estudyante sa theme park

- Inaresto ng pulis ang isang Chinese dahil diumano’y hinipuan niya ang tatlong babaeng estudyante

- Nangyari ang insidente sa isang theme park sa Pasay City

- Sinubukan makipag-areglo ng Chinese sa mga biktima ngunit desidido sila na sampahan siya ng kaso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang Chinese national ang inaresto ng pulis matapos akusahan ng panghihipo sa tatlong babaeng estudyante.

Nalaman ng KAMI na nangyari ang diumano’y panghihipo sa isang horror house ng theme park sa Pasay City.

Ayon sa report ng ABS-CBN News, sa loob ng horror house daw hinipo ng suspek ang pribadong bahagi ng katawan ng mga biktima.

Buti na lamang at kaagad nag-sumbong ang mga estudyante kaya nahuli ng mga guwardiya ang Chinese.

Galit na galit naman ang ina ng isa sa mga biktima nang makapanayam ng ABS-CBN News.

"Itong Chinese na walang kagagalang-galang sa Pilipinas na hindi naman niya bansa. Ang kapal ng mukha niya. I don’t want this to pass," sinabi ng ina.

Ayon pa sa report, sinubukan makipag-areglo ng Chinese sa mga biktima ngunit desidido sila na sampahan siya ng kaso.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Matindi rin ang reaksyon ng mga netizens sa nangyaring insidente:

“Anobayan… Una taho tapos ito. Edeport nayan”

“Pag nagkasala ay di parusahan din,wag pakitaan ng special treatment at ipa deport din kasi pag illigal ay inaagawan pa ang ating kababayan sa trabaho.So mga kababayan iwas maging pasaway sa sariling atin.”

“Put em in jail… other inmates should be told wat these rats are in jail for”

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Guess The Celebrity By A Clue! Clue number 1: Her real name is Hope Elizabeth and you surely know this celebrity. Your answer is... Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel