Suspek sa panghahalay sa sariling anak, arestado sa Pampanga

Suspek sa panghahalay sa sariling anak, arestado sa Pampanga

-Mariing itinaggi ng suspek sa panghahalay sa kanyang sariling anak ang krimen nito

-Sinabi pa nitong hinaplos lamang niya ang anak minsang nalasing siya ngunit hindi ito pinaniwalaan ng mga pulis

-Sariling kapatid nito ang tumulong upang madakip ang lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mariing itinanggi ng suspek sa panghahalay sa sarili mismong anak ang krimeng nagawa nito.

Sabi pa nito, isang beses lamang niyang ginawa noong minsang nalasing siya at hinaplos lamang niya ang anak ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Bagay na hindi pinaniwalaan ng mga awtoridad lalo pa at lumabas sa medico legal ng bata na positibong nagalaw ito.

Naaresto ang suspek na tiga-Daet, Camarines Norte sa Pampanga.

Agad itong pinuntahan ng mga awtoridad sa nasabing bayan lalo pa at 193 na warrant of arrest ang lumabas para rito.

"Kaanak mismo ang nakapagsabi sa amin. Nakipagtulungan kami sa CIDG Pampanga. Nung tinawag namin ang pangalan sa bahay, sumagot siya," pahayag ni SPO2 Jose Santos Mora, warrant officer ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Iba kasi ang galaw ng mag-ama. Hindi ko pa siya tinatanong talaga, umiyak na siya, umamin. Pagbayaran niya ang kasalanan niya. Kahit kapatid ko siya, hindi ko siya kakampihan kasi alam kong mali," ito naman ang pahayag ng tiyahin ng biktima o kapatid ng suspek.

Sabi pa nito, 5-anyos pa lamang ang biktima nang simulan itong halayin ng suspek at 15-anyos ito nang umamin na.

Ayon pa sa report, hiwalay ang suspek sa asawa nito kaya ang panganay na anak ay naiwan dito na siya nitong biktima.

Sa kasalukuyan, napunta na muli sa ina ang kustodiya ng biktima.

Nahaharap sa 200 kaso ng pangagahasa ang suspek.

Suspek sa panghahalay sa sariling anak, arestado sa Pampanga
Photo source: Getty Images / Photo for illustration only
Source: Depositphotos

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone

Hot: