Kalansay ng hinihinalang babae, nadiskubre sa 1 maisan sa Laguna
-Isang kalansay ang natagpuan sa isang maisan sa Laguna na hinihinalang pagma-may-ari ng isang nawawalang babae
-Nakatanggap kasi ng tawag ang ina nito mula sa isang 'di kilalang caller na matatagpuan doon sa mismong maisan ang kanyang anak
-Bagamat hindi agad matutukoy ang pagkakakilanlan dito ay naniniwala na ang ginang na ito nga ang nawawala niyang anak.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Labis na hinagpis ang naramdaman ng ginang na si Joana Ramirez nang may matagpuang kalansay sa isang maisan sa Laguna.
Naniniwala kasi ito na ito ang kanyang nawawalang anak na si Wendy Ramirez na matagal na niyang hinahanap.
"Inisa-isa ko 'yung mga buto ng anak ko. Kilala ko kasi 'yung daliri niya. Doon pa lang, confirmed ko na 'yung anak ko 'yun. 'Yung nagpatibay sa akin lalo ay 'yung ngipin niya. Siyempre, ako 'yung nanay niya mula maliit siya," sabi ni Joana sa panayam nito sa SOCO.
Bukod rito, nakatanggap rin siya ng tawag mula sa isang hindi nagpakilalang caller na matatagpuan niya ang anak sa maisan na iyon sa nasabing bayan.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
"Hindi namin ma-conclude kaagad noon kung isang babae o lalaki. Ito po ay buto-buto na lang po at mayroong mga buhok na mahaba," ayon naman kay Supt. Eliseo Bernales, hepe ng San Pablo police.
Tinutugis ngayon ng mag pulis ang suspek na si Alfred Bicomong, ang kinakasama ni Wendy na itinuturong huling nakasama ng biktima.
Bagamat nauna nang itinanggi ni Bicomong na may kinalaman siya sa pagkawala ni Wendy, sinampahan naman ito ng mga kasong kidnapping at serious illegal detention.
Nangungulila man, nangako naman si Joana na itutuloy ang laban para maipakulong si Bicomong.
Dalawang anak ang naulila ni Wendy Ramirez na nasa pangangalaga ng kanyang ina.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh