Jobless na Hapon at apat na anak, iniwan ng Pinay na misis na sumama sa iba
- Sa tindi ng hirap na dinanas, dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo ang Hapon na si Hiroyuki Saito
- Iniwan umano siya ng Pinay na misis at sumama na sa ibang lalaki
- Hiling ni Hiroyuki na bumalik na ang kanyang misis nang sa gayon may mag-aalaga na sa kanilang anak at siya naman ang makakapagtrabaho
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo ang Hapon na si Hiroyuki Saito na iniwan umano ng kanyang Pinay na misis na si Rodina Tejima.
Naiwan kay Saito ang apat nilang anak na siya niyang inaalagaan. Aminadong walang trabaho ang Hapon mula pa noong Agosto. Di rin siya agad makahanap ng mapapasukan dahil wala nang nag-iintindi sa kanyang mga anak lalo pa at ang isa sa mga ito ay special child.
Sadyang kaawa-awa ang sinapit nina Saito at mga anak dahil nabuhay na lamang sila sa bigay ng mga taong nagmamalasakit sa kanila gaya ng ilang kapitbahay at kaibigan.
Kaya kung walang nagbigay sa kanila sa isang araw, gutom talaga ang inaabot nilang mag-aama.
Isang sari-sari store owner ang nagmalasakit kay Saito at pinayuhan niya itong ipa-Tulfo na ang asawa. Binigyan pa ng may-ari ng tindahan si Saito ng pamasahe upang matuloy lang ang pagpunta sa programa.
Nang dumating sa programang In Action si Rodina, nagmatigas pa rin ito na si na umano siya babalik sa pamilya. Sa kabila ng pagmamakaawa ng kanyang mga anak na bumalik na ang ina, tila bato pa rin ang puso nito at di naawa sa mga bata.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Balak na lamang sanang kunin ng ina ang mga bata at ayaw lang niya talagang bumalik na sa piling ng asawa. Ngunit si Tulfo na mismo ang nagsabi na di rin siya papayag na makuha ng ina ang mga bata.
Dala rin marahil ng sitwasyon, naawa si Tulfo kina Saito at sa ang mga anak nito na wala pa palang tanghalian at almusal nang pumunta sa programa.
Inabutan ng host si Saito ng halagang ₱8,500 upang ito ay makaahon ahon ng kaunti sa hirap na dinaranas at nang mapakain na rin nito ang mga kumakalam na sikmura ng mga anak.
Bago magpasko, dinalaw ng staff ng Raffy Tulfo in Action ang mag-aama. Nalaman nila ang kalagayan ng mga ito at nalamang huminto na sa pag-aaral ang mga bata.
Isinama na rin ng reporter ni tulfo ang mag-aama upang mamili ng mga damit, laruan at maging mga kagamitan sa bahay.
Pinakain at pinasyal na rin ang mga bata na tuwang tuwa sa kanilang mga ginawa.
Binigyan din ng laptop si Hiroyuki na maari niyang magamit sa trabaho. Ang panagay naman niyang anak na dalagita ay binigyan ng cellphone.
Ipinaayos din ang mga sira ng bahay ng Hapon. Bukod dito ipinamili na rin ng programa ng mga gamit sa bahay gayungdin ang mga grocery upang masigurong may makain pa sila sa mga susunod na araw.
Animo'y nagbagong buhay talaga ang mag-aama nang matulungan sila ng programa.
Karagdagan pang biyaya ang pagkakaroon na ng trabaho ni Saito at nakapagsimula na ito noong Enero.
Patunay lamang na matapos ang matinding dagok sa buhay ay may nakaabang na kaginhawahan upang makaahon sa anumang hirap na dinanas.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter
A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.
Click the play button and restore your faith in humanity.
Source: KAMI.com.gh