Netizens, hinangaan ang grad pic ng estudyanteng nagbigay pugay sa kanyang mga magulang
- Nag-viral ang Grad pic ni Darlyn Descartin dahil sa simpleng paraan niya ng pagpupugay sa kanyang mga magulang
- Labis na hinangaan siya ng mga netizens na nakakita sa larawan niya dahil sa di ito nakalimot sa nagpaaral sa kanya
- Umabot na sa 90,000 shares ang kanya mismong larawan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw eksena ngayon sa socmed ang graduation picture ni Darlyn Descartin, isang senior high school student ng José Rizal University sa Mandaluyong City.
Sa kanyang viral facebook picture, makikita siyang nakatoga na may hawak na maliit na whiteboard at nakasulat ang "Hindi ko masabing nakakapagod mag-aral kasi alam kong mas pagod yung nagpapaaral sa akin. #ThankYouMama&Papa.”
Dahil dito, hinangaan si Darlyn sa simpleng paraan niya upang magbigay pugay sa kanyang mga magulang na siyang gumabay at nagpakapagod na magpatapos siya.
Pinuri si Darlyn dahil sa bibihira naman na talaga ang mga kabataan ngayon ang hayagang nagpapasalamat sa kanilang mga magulang sa mga sakripisyo na nagagawa ng mga ito para sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Ang nakakatuwa pa rito, sumagot ang kanyang ama at tinumbasan din ang pagpupugay ni Darlyn ng mga matatamis na salita.
“Congratulations Anak, love na love ka ni papa Ver,” tugon ng ama na si Ver Destura Descartin sa nakakantig na larawan ng anak.
Umabot na sa mahigit 90,000 shares ang larawan ni Darlyn.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter
A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.
Click the play button and restore your faith in humanity.
Source: KAMI.com.gh