Pinoy celebs, nagbigay ng pa 'shout-out' at suporta kay Hans Alcanzare

Pinoy celebs, nagbigay ng pa 'shout-out' at suporta kay Hans Alcanzare

- Nakatanggap si Hans Alcanzare ng isang well-deserved 'shout-out' mula sa mga kilalang mga Pinoy celebs

- Pinangungunahan ni Lea Salonga at nina Pokwang at Moira dela Torre-Hernandez

- Ito ay pagkatapos mag-viral dahil sa ibinahagi na private messages niya tungkol sa "influencer"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Usap-usapan kamakailan lang ang gwapong artist na nagguhit sa magandang mukha ng bagong Miss Universe na si Catriona Gray, na si Hans Alcanzare.

Pagkatapos ng tila pambabastos umano ng isang nagpakilalang "influencer" sa artist ay bumuhos ang suporta at pagkilala ng mga kapwa artists, lalong lalo na ang mga kilalang mga Pinoy celebs.

Spotted ng KAMI ang pa 'shout-out' at pagkilala ng world-class performer na si Lea Salonga sa kanya sa pamamagitan ng kanyang 'Twitter' account.

Ayon pa kay Lea:

"Dear artist, your work and skills are worth at least triple the price you quoted. You’re truly talented!"

Nagbigay rin ng kanilang 'shout-out,' pagkilala, at suporta sina Pokwang at Moira dela Torre-Hernandez.

Ibinahagi rin ni Pokwang ang larawan na unang ibinahagi ni Hans sa kanyang social media, kung saan makikita ang magandang obra niya para kay Catriona Gray.

Ani pa ni Pokwang:

"Woooowww ang husay naman... shout out sayo @hpalcanzare galing galliiinnnggg...ganda ni miss Universe queen @catriona_gray"

Si Moira naman ay tila nagbigay ng PM sa kanya sa Facebook, kung saan ibinahagi rin niya ang kanyang sariling karanasan at suporta kay Hans sa pagsiwalat sa mga ganitong mga tao, at paghanga rin sa artist dahil hindi ito ipinakita ang pangalan ng naturang "influencer."

Isinambulat ng artist na si Hanz Alcanzare ang tungkol sa "Female influencer, minaliit ang artist, gustong bayaran ng 'shoutout' ang P15K na portrait," kamakailan lang, sa kanyang FB page.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, tricky questions.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin