19 na buwang sanggol, napugutan ng ulo habang angkas sa motor
- Napugutan ng ulo ang isang sanggol matapos sumabit ang malong na nakabalot dito sa gulong ng motorsiklo
- Binalot ng ina ang sanggol ng malong upang di raw ito maarawan ngunit di niya napansing sumabit ang malong sa gulong at nahila ang sanggol
- Dahil sa nangyaring ito, maaring kasuhan ng reckless imprudence resulting tohomicide ang ina at maging ang lola na kasama rin nila
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 19 na buwang sanggol nang aksidente itong mapugutan ng ulo.
Naganap ang insidente nang pauwi ang mag-ina kasama ang lola mula sa clinic. Nalaman ng KAMI na binalot ang sanggol upang di mainitan ng araw
Ngunit di nila napansin na naipit pala ng gulong ang malong. Nang umandar ang motor, nahila ang malong at napugot ang ulo ng kawawang sanggol.
Ayon pa sa The Asian Parent Philippines, laking gulat ng ina at maging ng lola sa pangyayari at di si sila makausap ng maayos ng mga pulis na rumesponde sa nangyari.
Base sa mga saksi, sa sobrang bilis daw ng kaganapan, wala na raw talagang magagawa ang ina at lola ng sanggol upang masagip pa ito.
Malaki ang posibilidad na makasuhan ang lola maging ang ina ng bata ng reckless imprudence resulting tohomicide.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Di raw ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng matinding trahedya sa pamilya nila. Noong 2016, ang panganay namang anak ng ina ang namatay dahil naman sa pagkalunod sa ilog.
Kaya naman paalala ng awtoridad, mariing pinagbabawal ang pagsasakay o pag-aangkas ng sanggol sa motorsiklo.
Kahit pa may kasamang nakatatanda, hindi pa rin maaring isakay o i-angkas ang bata lalo na ang sanggol. Matinding pinsala na maaring mangyari gaya na lamang ng kahabag-habag na sinapit ng walang malay na sanggol na napugutan ng ulo.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter
A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.
Click the play button and restore your faith in humanity
Source: KAMI.com.gh