Pagkain bago matulog sa gabi, di naman umano nakakataba
- Isang pag-aaral ang sinagawa sa Japan ang nagsasabing di naman nakakataba ang pagkain bago mismo matulog sa gabi
- Ngunit, binigyang linaw ng pag-aaral na ito maaring sa ibang panig ng daigdig ay di ito pareho dahil sa panay gulay ang madalas na kainin ng mga Hapon
- Nagbigay din paalala ang mga nagsagawa ng pag-aaral na ito na isaalang-alang pa rin ang wastong pagkain, tulog, pahinga at ehersisyo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Di naman daw umano nakakataba ang pagkain kahit bago pa matulog sa gabi. Ito ay ayon sa isinagawang pag-aaral ng mga nagsasaliksik mula sa Okayama University sa Japan.
Binahagi ng South China Morning post na nagsagawa ng pag-aaral kung mayroon bang pagkakaiba ang pagkain dalawang oras bago matulog sa gabi at pagkain bago mismo matulog.
Nalaman ng KAMI na ito ay base sa glucose o sugar level ng mga taong kanilang pinag-aralan.
Lumalabas na halos pareho lamang ang sugar level ng kumain 2 oras bago matulog at ng bago mismo matulog.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Ngunit, binigyang linaw din na ito ay maari lamang makatotohanan sa mga Hapon kung saan karamihan sa kinakain nila ay gulay.
Malaki ang posibilidad na sa mga bansang sanay kumain ng 'heavy meals' sa gabi ay maiiba ang resulta sa katulad na pagsasaliksik.
Nagbigay paalala pa rin sila na ang disiplina sa pagkain ay dapat pa ring isaalang-alang, wastong pahinga at tulog ay kailangan para sa malusog na pangangatawan. Kailangang iwas bisyo rin gaya ng paninigarilyo at pag-inom na nakaaapekto talaga sa kalusugan.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter
A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.
Click the play button and restore your faith in humanity
Source: KAMI.com.gh