Mag-ingat! Magandang 'wedding scammer' nakatangay ng mahigit 1 milyon mula sa iba't-ibang biktima

Mag-ingat! Magandang 'wedding scammer' nakatangay ng mahigit 1 milyon mula sa iba't-ibang biktima

- Isang tinaguriang "wedding scammer" ang pinaghahanap ngayon sa Cavite

- Maraming magpapakasal ang nabiktima ng magandang wedding scammer

- Pag malapit na raw ang itinakdang kasal, naglalaho na raw si ate at di na mkontak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Monica Olfato Batingal ang hinahanap ngayon ng kapulisan sa Cavite dahil sa panlolokong ginawa.

Siya'y kilala bilang "wedding coordinator"at hindi lang isa kundi ilan silang magpapakasal ang nabiktima ni ate.

Nalaman ng KAMI na karamihan sa mga nabiktima ay nakilala lamang si Monica sa Facebook.

Sa report ng ABS-CBN, isa sa mga nabiktima ay si "Erwin," at kinuwento niyang mura lang daw ang alok ni Monica.

Nagbayad siya ng buong P190,000 para sa isang kasal sa Disyembre.

Subalit dalawang buwan daw bago ang kasal, wala pang na-finalize sa mga pagkain, photographer, wedding invitations at venue.

Kinansela na nila ang booking kay Monica at itinuloy ang kasa sa tulong ng mga kaibigan, ngunit hanggang ngayon ay di pa nila nababawi ang pera.

Nang maibunyag ang nagawa ni Monica, marami pang ibang biktima ang lumabas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa pangkalahatan, mahigit 1 Milyon ang nakuha umano ni Monica sa kanyang mga biktima.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Care for some "pampa-good vibes"? Watch our Ariana Breathin Low-Budget Parody | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)