Paano kumalat? Netizens, nag-react sa viral photos ng OFW na iniwan mister at 5 anak

Paano kumalat? Netizens, nag-react sa viral photos ng OFW na iniwan mister at 5 anak

- Kumakalat ngayon sa social media ang mga 'daring photos' umano ng OFW sa Riyadh na si Sheerlyn Gerasta

- Nakakapagtaka kung paano at sino ang nagpapakalat nito

-Maraming netizens ang hindi napigilang mag-react at magbigay komento ukol dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Trending ngayon sa social media ang mga 'daring photos' ng OFW na si Sheerlyn Gerasta.

Matatandaang napa-deport na ng OWWA, sa pakikipagtulungan ng 'Raffy Tulfo in Action' si Sheerlyn at kasalukuyang nasa bansa na, ayon sa naunang report ng KAMI.

Umani ng papuri ang OWWA sa mabilis nilang pag-aksyon ukol dito pero marami ang nagtatanong kung bakit hindi napauwi ang kabit umano ni Sheerlyn na si Edwin “Kimpoy” Madredio.

Nalaman ng KAMI na may nagpapakalat ng 'daring photos' ni Sheerlyn at naging usap-usapan ito online.

Isang YouTube vlogger naman na si Julie Rose ang nag-ere ng kanyang reaksyon patungkol sa kumakalat na photos ni Sheerlyn.

Iba-iba ang naging reaksyon ng mga netizens sa viral photos niya. May mga nagalit at nagsasabing hindi na raw naawa sa mga anak.

Pero meron ding nagsasabi na huwag agad manghusga ng kapwa.

"Kahit anu sabihin mo masama ang kabit...mangangatuwiran pa kayo sa mata ng batas ng tao at lalo na sa Dios..."
"Wag dw xa husgahan kung hndi k nman hitad walang manghusga sayo.."
"Baliw yan,,may matino bng babaeng,,para ng bundat ang katawan mg hubad pa at e upload.."
"Korek sis, may rason talga sya dyan at buhay nila yan. We are not in the right place to judge anyone."
"May panahon pa sya para magbago, wag ng eh judge dahil di po nakakatulong yon bagkus ipaubaya na lng natin sya sa dyos sya na bahala sknya at sa pamilya nya. Lahat po tayo dto di natin alam ang kwento at di natin kilala yong tao."
"for me hnd naman cya nagpabaya sa family nila infact nagpapadala cya buwan buwan,hnd ntn alam ang totoong pangyayari sa pamilya nila"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, naglaslas ng pulso si Sheerlyn Gerasta nang malaman niyang ayaw siya patawarin ng asawa at sasampahan ng kaso.

POPULAR: Read more news about Vice Ganda

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features a low-budget parody of Jaden Smith's music video for Plastic! This low-budget parody is hilarious and it will definitely put a smile on your face! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally addresses his rumored issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel