Babaeng nagnakaw sa tindahan, binigyan pa ng mga pagkain bago pauwiin

Babaeng nagnakaw sa tindahan, binigyan pa ng mga pagkain bago pauwiin

- Isang babae ang nahuling nangupit ng pagkain sa isang convenience store

- Imbis na ikulong, binigyan pa umano ito ng mga pagkain mula sa kapitan ng barangay

- Paliwanag ng babae, nagawa lamang niya ang pagnanakaw dahil sa matinding gutom na kanyang naramdaman

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang video ng isang kapitan kung saan imbis na ikulong ang isang babaeng nahuling nagnakaw, binigyan pa niya ito ng pagkain.

Makikita sa video na binahagi ng Tambayan ni Berto Pilipinas, nagtatakal ng bigas ang kapitan habang pinangangaralan ang babae.

Pinayuhan niya na huwag nang ulitin ang pagnanakaw. Kung sakali man daw na magkaroon muli ito ng problema ay dumulog na lamang ito sa tanggapan ng barangay.

Bukod sa bigas, nagbigay pa ng de lata ang kapitan habang patuloy pa rin nitong pinangangaralan ang babae.

Binalaan din niya babae na sakaling ulitin niya ang pangungupit, may kalalagyan na raw ito.

Sinabihan din ng kapitan na magtrabaho ang babae nang sa gayon ay di sila nagugutom at may pangtustos sa araw-araw na pangkain.

Inihatid pa ng kapitan ang babae na di pala taga-barangay nila.

Dahil dito, labis na hinangaan ng netizens ang ginawa na ito ng Punong barangay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ganda ng linya ni kap...na " maraming mabubuting tao jan sa paligid,magsabi ka lang"..kap idol"
"Kung ako yung magnanakaw...tapos ito ang ipapakita sa akin ng tao..mahihiya talaga ako na magnakaw ulit. Kuha tayo ng lessons at reflection sa halimbawa ni kap ha..wag kayo puro dada jan na kesyo nagpavideo sya.. Buti pa sya namigay ..eh tayo ba.? Kailanman..di naging masama ang magbigay."
"may nk imbak na bigas at de lata. ibig sbihin binibigyan tlaga ni kap ung humihingi ng tulong sa kanya wg lng magnakaw."
"alam nio guys may video man yan o wala bigyan natin ng credit c kap para mas lalo pa cyang tumulong sa nangangailangan."
"Ok lang n i vedio.. wake up call n din sa ibang govt oficials n dapat tumulong sila.."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica