Dating janitress na kumikita ng ₱7,000, ngayon milyonarya na

Dating janitress na kumikita ng ₱7,000, ngayon milyonarya na

- Dala ng sipag at determinasyon, naiahon ni Milane Pindot ang kanyang buhay mula sa matinding kahirapan

- Bukod sa pagiging janitress, naging labandera rin siya bago siya magkaroon ng oportunidad na kumita ng limpak-limpak na salapi

- Sinuwerte sa negosyo si Milane at mula taong 2017, kumikita na siya ng milyong milyong salapi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa si Milane Pindot sa mga kapwa nating Pinoy na nakanaras ng matinding paghihirap sa buhay.

Dating janitress si "Lani" sa isang eskwelahan na kumikita lamang ng manumbas ₱280 kada araw. Kasama pa nito ang hirap ng trabaho sa paglilinis ng paaralan. Minsan pa ng, naranasan niyang maglinis ng isang buong corridor dahil sa nasa bakasayon ang iba niyang kasama.

Ayon pa sa programang Kapuso mo Jessica Soho, bago pa maging janitress si Lani ay naranasan niyang maging labandera at kasamahin sa bahay gay ng kanyang ina.

Naging mapait kasi ang kabataan ni Lani mula noong imaghiwalay ang kanyang mga magulang at palayasin sila ng kanyang ama.

Nalaman ng KAMI na mula noon, nagsisikap talaga si Lani lalo na sa pag-aaral. Alam niya kasing ito na lamang ang natitira niyang sandata para makaahon sa buhay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod sa pagiging janitress, naging encoder din siya at halos lahat na raw ng maari at kaya niyang raket ay pinasok na niya.

Ngunit dahil sa mga raket niya ay nali-late naman siya sa trabaho niya bilang janitress. Kaya naman nang magkaroon ng evaluation nasisante siya sa trabaho.

Nagkasakit pa ang kanyang anak sa baga kaya naman lalo pang nadagdagan ang kanyang dalahinng problema.

Nang lumapit siya sa kanyang kaibigan, ang tanging naibigay nitong solusyon ay ang pagpapakasal sa isang Koreano na kalaunan ay iiwan rin pala siya.

Nagbunga ang panandaliang pagsasama nila ng Koreano kaya naman lalong nagsumikap si Lani para sa anak lalo pa at wala siyang ibang katuwang sa pagpapalaki nito.

Taong 2014 nang pasukin niya ang pagbebenta ng iba't ibang produktong pampaganda at para sa kalusugan.

Sa umpisa, halos wala raw siyang kinikita ngunit matapos ang tatlong buwan nagsimula na siyang kumita ng ₱20k hanggang 50k.

At sa taong 2017 hanggang sa kasaukuyan, umabot sa na milyon ang kinikita niya sa kanyang negosyo na siyang naging daan para makabili siya ng sarili niyang kotse at makapagpatayo ng sariling bahay.

Isa lamang si Lani sa masasabi nating kababayan nating dahil sa determinasyon at pagsusumikap gayundin ang pagmamahal sa pamilya naabot niya ang kanyang mga dati lamang pinapangarap.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica