Bag na naiwan sa taxi sa Maynila, nakuha ng may-ari kahit pa ito'y nasa probinsya na

Bag na naiwan sa taxi sa Maynila, nakuha ng may-ari kahit pa ito'y nasa probinsya na

- Labis ang papuri ng isang pasahero sa taxi driver na nagawa pa ring isauli ang kanyang gamit kahit pa ito ay nasa probinsya na

- Mabuti nalamang at may cellphone sa bag na naiwan sa taxi kay aito ang kanilang tinawagan sa pagbabakasakaling matutunton ang gamit

- Di naman nabigo ang may-ari at nakatagpo sila ng mababait na tao gaya na lamang ng driver at ng misis niyang na siyang nakausap ng may-ari ng mga gamit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pabalik na noon ng probinsya ang netizen na si Arman Fontanilla nang mapansing kulang an kanilang dalang gamit at ito pala ay naiwan sa taxi.

Aminado siya na nawlan na agad siya ng pag-asang makuha ang gamit nila lalo na sa panahon ngayon nang makaisp siya ng paraan.

Sa kabutihang palad, nakuha nina Arman at kanyang pamilya ang mga gamit dahil napakaswerte nilang mabubuting tao ang driver ng taxi gayundin ang asawa nitong siyang nakipag-usap kina Arman.

Dahil dito labis ang paghanga ni Arman sa pamilya ng driver na nakilalang si Miguel Llanera at nawa ay pamarisan pa ito ng maraming tao.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang kabuuan ng karanasan ni Arman na binahagi niya sa KAMI:

Share ko lang po yung experience ko kay Kuya driver na si Miguel llanera

Nung papunta kaming Cabanatuan nung bago mag bagong taon para doon icelebrate ang new year,nag kataong naiwan namin yung bag na naglalaman ng mga gamit namin at mahahalagang bagay

Hanggang sa di na namin sya agad naabutan kasi meron syang pasahero at di rin namin agad napansin na may kulang sa gamit namin.

So ayon ang nangyari wala kaming kagamit gamit ng umuwi ng probinsya ng pag balik namin naalala ko may cellphone pala sa bag kaya agad kog tinawagan at yon meron ngang sumagot na parang mas excited pa sakin si misis ni kuya driver at yon nga ang ngyari nagkausap kami na para bang magkakilala at nag kakatawanan pa at napag kasunduan kung kaylan namin pwede makuha yung gamit namin.

Bag na naiwan sa taxi sa Maynila, nakuha ng may-ari kahit pa ito'y nasa probinsya na
Ang taxi driver na si Miguel Llanera
Source: UGC

Sa awa nang Diyos naibalik naman ng maayos at walang kulang ang gamit namin,at ng araw na yon diko maipaliwanag ang pakiramdam ko nung kukunin ko yung bag para ba akong nananalo sa lotto sa sobrang saya yung tipong diko maintindihan sa lahat din po ng nasakyan kong taxi oh grab sya lang po mismo as in mismo yung nasakyan kong hindi humingi ng dagdag pasahe oh na ngontrata kahit malayo.#mabuhaykakuyamiguelllanera

napaka buti mong tao maraming salamat sayo kuya at may may mga tao papala na gaya mo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica