Nakaka-inspire! Riders sa Pangasinan, kakaiba ang adbokasiya sa pagtulong sa kapwa
- Tunay na kahanga-hanga ang Jazzy's Riders Club sa taos-puso nilang pagtulong sa kapwa
- Maituturing na kakaiba ang kanilang samahan dahil di lang basta sila grupo na mga nakasakay sa kani-kanilang motorsiklo, bukas palad silang naghahatid ng mga pangangailangan ng kapwa natin hirap sa buhay
- Nilinaw nila na purong boluntaryo ang kanilang ginagawa na walang anumang hinihinging kapalit
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
"Humanity restored" ika nga dahil sa grupong Jazzy's Riders Club kung saan bukal sa kalooban nila ang pagtulong sa kapwa nating nangangailangan.
Di lamang sila grupo na mga nakasakay sa kani-kanilang motorsiklo. Sila ay mga tao na mula sa mga simpleng pamilya ngunit handa paring tumulong sa abot ng kanilang makakaya.
Naikwento ng kanilang founder na si Mavic Nierva ang simula at pagiging matatag ng kanilang samahan na naglalayon mapabuti ang kalagayan ng bawat kababayan nila sa Pangasinan.
Narito ang salaysay ni Mavic, founder ng Jazzy's Riders Club na ikagagalak ng ating puso at talaga namang nakaka-inspire.
Jazzy's Riders Club
Dagupan City Pangasinan.
Founder: Mavic Nierva
Co founder Pres. Mike Soliven
Members: Volunteer Riders
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
"Ang grupo ng Jazzy's Riders ay nabuo at binuo dahil sa malasakit at pagmamahal sa kapwa. Sila ang kaagapay ng Jazzy's Save an Angel Spread Love Organization sa paghahatid ng tulong sa mga batang may sakit, at pamilyang tinutulungan ng organisasyon. Napakalaking obligasyon ang kanilang dinadalala mula sa pagpik up ng mga donasyon, paghahatid ng mga donasyon at ang kusang pagbibigay ng kontribusyon mula sa sariling bulsa para sa mga tinutulungan ng grupo. Idagdag pa dito ang pang gasolina at pangkain kapag malayuan ang "Rides".
Umulan, umaraw, malapit o malayo man wala sila inuurungan.
"Pure volunteerism", walang kompensasyon, walang allowance.
Ang Jazzy's Riders ay galing sa mga simpleng pamilya na may simpleng pamumuhay. Mga regular government employees, tricycle driver, pahinante, grocery staff, fastfood crews, barbero, private office employee, security guard, housewife at brgy. Kagawad, pero hindi ito hadlang para hindi sila makatulong sa kapwa, lalo sa mga nangangailangan na mga kapos palad.
Masaya ang bawat rides, kahit pagod at nahirapan, o nasiraan man ng MC sa daan, bakas sa kanilang mukha ang tuwa, ang saya sa kanilang ginagawa.
Pamilya at magkakapatid ang turingan kahit pa nagmula sila sa iba't ibang lugar dito sa Norte. May respeto at nagbibigayan.
Jazzy's Riders Club
We Ride for a Cause
We save Angels
We spread Love...
Hindi hadlang ang pagkakaroon ng simpleng pamumuhay para hindi makatulong sa kapwa.
TO GOD BE THE GLORY!"
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!
Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel
Source: KAMI.com.gh