Matindi! Mag-asawa, pinagtatalik at kinukunan ng video ang 2 anak na binubugaw
- Nagsumbong ang ilang concerned citizen sa ginagawang kahayupan ng mag-asawa sa sarili nilang mga anak
- Sa halagang ₱1,200, kinukunan ng ina ng video ang mga anak na may edad 15 at 13 upang ibugaw sa foreigner na nagbabayad sa kanila
- Nasermonan ni NCRPO chief Director General Guillermo Eleazar ang mag-asawa na makakasuhan ng kasong anti-childpornography, anti-child abuse, anti-trafficking in persons, at rapein relation to anti-cybercrime law
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Timbog ang mag-asawang may alyas Jery at May sa Taguig dahil sa pambubugaw umano nila sa kanila mismong mga anak.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN news, isang concerned citizen ang nagsumbong sa pulisya sa kahalayan na pinagagawa ng mga magulang ng mga bata.
Nilusob ng Taguig police ang bahay ng mag-asawa na nagpahabol pa at kalaunan ay nakuha ang cellphone ng babae.
Doon nakita ang mabigat na ebidensya kung saan bukod sa malalaswang larawan ng mga anak na 15 at 13, mayroon pang mga video ang mga ito na nagtatalik mismo.
Ang malala pa, mismong si May ang nakikipagtalik sa anak na lalaking 13 sa isang video.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Ayon sa ina, pinadadala umano niya ang video sa isang foreigner na siyang nagsusustento sa kanila at nagbabayad ng halagang ₱1,200.
Kwento pa ni May 2013 nang makilala niya ang Amerikano na nagsusustento sa kanila mula noon. Ipinagkasundo na rin niya ito sa kanyang anak na babae.
Nakuha pang mangatwiran ni May na dahil sa sustento ng Amerikano, napag-aaral niya ang mga anak.
Di ito tinanggap ni NCRPO chief Director General Guillermo Eleazar na rason at patuloy ang pagsesermon nito sa mag-asawa.
Depensa naman ng mister, wala raw siyang kaalam-alam sa mga nangyayari dahil maghapon umano siyang nasa trabaho.
Mahaharap sa kasong anti-childpornography, anti-child abuse, anti-trafficking in persons, at rapein relation to anti-cybercrime law ang mag-asawa habang ilalagak ang magkapatid sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development.
Maging ang foreigner na sinasabing nagsusustento kina May ay makakasuhan din.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!
Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel
Source: KAMI.com.gh