Bagong Pinay beauty queen winner, makabayan rin gaya ni Miss Universe Catriona Gray!

Bagong Pinay beauty queen winner, makabayan rin gaya ni Miss Universe Catriona Gray!

- Isang bonggang panalo na naman ang natanggap ng Pilipinas sa pag-umpisa ng 2019 dahil isa na namang pambato ng bansa ang nagwagi sa isang international beauty pageant

- Si Francesca Taruc ang itinanghal na Miss Tourism World Intercontinental 2019 sa Nanjing, China, ayon pa sa balita

- Pero ang talagang pinag-usapan ng taong bayan at netizens ay ang rebelasyon na ang kanyang winning red gown ay nagsisimbolo ng tatlong bituin at araw na nasa bandila ng Pinas

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kung sobrang bongga ang pagtatapos ng 2018 ng Pilipinas ay ganoon din ang pagsisimula ng 2019 dahil napag-alaman ng KAMI na pagkatapos iuwi ni Catriona Gray ang pang-apat na Miss Universe crown sa bansa ay nasungkit naman ni Francesca Taruc ang korona ng Miss Tourism World Intercontinental 2019, na ginanap sa Nanjing, China.

Pero bukod pa sa magandang balitang ito, ang isa pang pinag-uusapan sa pagkapanalo ni Francesa sa naturang international beauty pageant ay ang suot-suot niyang winning red gown, ayon na rin sa balita na una naming nasagap mula sa ABS-CBN News.

Ibinahagi ito ng designer ng nasabing gown na si Benj Leguiab IV sa Facebook page niya.

Ani pa niya rito:

"Another Pinay Queen who made our country Proud!!! Congratulations FrancescaTaruc for winning Miss City tourism World Intercontinental 2019...She is wearing my Red Gown inspired by the 3 stars and a Sun...Congratulations to the whole team!!!#Philippines #BLIV #BenjLeguiabIV #IconicGown #redGown"

January 5, sa preliminary competition ay pinanalo rin niya ang "Best Body," ayon na rin sa kanyang post.

Ang naturang gown ay una na palang sinuot ni Alyssa Muhlach noong nagcompete siya sa Bolivia para sa Reina Hispanoamericana 2018.

Kamakailan ay bongga rin na nirampa at nirepresent ni Miss Universe Catriona Gray ang gawa, kultura, at heritage ng Pinoy sa kanyang mga damit sa kompetisyon.

Si Francesca Taruc, ang kauna-unahang Pinay na umuwi ng korona sa international beauty pageant para sa taong ito para sa titulong Miss Tourism World Intercontinental sa bansa.

POPULAR: Read more news about beauty pageant here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, as we are still celebrating the holiday season together with our family and loved ones, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, Christmas tricky questions.

Clearly, they had hilarious laughs on their faces, making this joyful season happier and more meaningful.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel