Traslacion 2019: Mga deboto, dinagsa ang Poong Nazareno; mga basura, nagkalat din

Traslacion 2019: Mga deboto, dinagsa ang Poong Nazareno; mga basura, nagkalat din

- Libu-libong mga deboto ang sumali sa Traslacion ng Poong Nazareno ngayong 2019

- Subalit, nagkalat din ang mga basurang naiwan ng mga deboto

- Dinepensahan naman ng CBCP ang mga deboto sa kanilang paniniwala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dinagsa ng libu-libong mga deboto ang Traslacion ng Poong Itim na Nazareno ngayong Miyerkoles (January 9). Nalaman ng KAMI na nagkalat din ang mga basura sa Quirino Grandstand nang umalis ang imahe ng Nazareno aat dinala papuntang Quiapo church.

Ayon sa social media post ng Philippine Star ay libu-libong mga Pilipino pa rin ang sumasali sa prusisyon ng Poong Jesus Nazareno.

Naiulat din ng CNN Philippines na matapos umalis ang Poong Nazareno sa Quirino Grandstand ay napakaraming mga basura ang naiwan dito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Taon-taong iginugunita sa Pilipinas ang pista ng Poong Nazareno tuwing January 9. Milyon-milyong mga deboto ang naniniwala sa hiwagang dala ng imaheng ito.

Kadalasan ay umaabot ng 20 na oras ang prusisyon or Traslacion kapag ito ay binabalik mula Quirino Grandstand papuntang Quiapo Church. Subalit, marami rin lagi ang naitatalang nagkakasakit, nagkakasugat o kaya naman ay namamatay sa Traslacion dahil sa dami ng tao at siksikan.

Dipenensahan naman ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ang mga deboto ng Poong Nazareno. Naiulat ng ABS-CBN News na ayon kay Bishop Broderick Pabillo ay mas nagbibigay ng malalim na pag-unawa sa Simbahang Katoliko at spirituality ang pananampalataya ng mga deboto sa imahe ng Poong Nazareno.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Best Present For Christmas – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)