Palusot o totoo? Misis, nahuli picture ni mister kasama isang bata pero sabi ni mister anak daw ng ka-chat niya

Palusot o totoo? Misis, nahuli picture ni mister kasama isang bata pero sabi ni mister anak daw ng ka-chat niya

- Isang misis ang dumulog sa Raffy Tulfo dahil nahuli niyang may picture ang asawa kasama ang isang bata at tila parang close

- Nang tanungin siya ni misis kung sino ang bata sa picture, sabi ni mister eh ka-chat lang daw niya

- Dagdag pa ni mister, di raw niya kaano-ano at ang picture ay nakuha nang binisita niya ang ka-chat pero sabi ni Tulfo kamukha daw ni mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang misis ang ayaw maniwala sa paliwanag ni mister tungkol sa picture kung saan may kasamang bata si mister.

Nalaman ng KAMI na ang mister ni Mary Grace Soliven Napolis ay maraming ka-chat parati sa Viber kaya siya humingi ng tulong sa Tulfo.

Inilahad ni Mary Grace kung paano niya nakita ang picture, at ito'y noong natutulog si mister at nabuksan niya ang cellphone ng asawa.

Nang tawagan ni Raffy Tulfo ang mister ni Mary Grace, sinabi ni mister na di raw niya kaano-ano yung bata.

Anak daw iyon ng ka-chat niya at ang picture ay nakuha noong binisita niya ang ka-chat niya.

Sa picture, naka-pambahay nga lang ang bata at may pahalik-halik pa si mister dito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pabiro namang sabi ni Tulfo kay kuya na magkamukha daw sila, sa labi at noo.

Super deny talaga si mister na di niya kaanu-ano yung bata at nang sabihin ni misis na magpa-DNA test, kung saan aprubado naman si Raffy na sila ang gagastos, sinabi ni mister na wala na raw siyang kontak sa nasabing ka-chat.

Pero si misis, talagang di naniwala sa paliwanag ni mister.

Mga netizens, ayaw din maniwala kay mister:

Palusot pa boi tanga lang maniniwala sau haha
Hindi na macontact?dna lang scared
Rule #1: Huwag umamin Rule #2: Balik sa rule #1
Dami palusot.nakasando CLA pareho parang ns loob cla ng bahay nagpicture ..
If nagkita Lang cla dpt s park o Jollibee o ibang fast foods..saka my asawa na nkkipag chat pa. .bkit d nlang ung asawa nya ichat nya
Sabagay my ksbihan Basta driver sweet lover
Hoy lalake! Tandaan mo, tayong mga babaero para tayong kriminal, huli na sa akto dipa Rin tayo aamin Mrs mo nman parang pulis Yan, hangat Walang ebidinsya dika huhulihin.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Care for some "pampa-good vibes"? Watch our Ariana Breathin Low-Budget Parody | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng netizens ang pag-rampa sa supermarket

Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng maraming netizens ang pag-rampa sa supermarket

Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng maraming netizens ang pag-rampa sa supermarket
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel