LTO, inanunsyo ang bagong patakaran sa pagkuha ng driver’s license

LTO, inanunsyo ang bagong patakaran sa pagkuha ng driver’s license

- Inanunsyo na ng Land Transportation Office (LTO) na may bago silang patakaran sa pagkuha ng lisensya

- Ayon sa bagong sistema ay magiging online na ang pagpapasa ng medical certificate

- Tanging mga accredited na clinic at mga doktor lamang ang pwedeng makagawa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May bagong patakaran ang Land Transportation Office (LTO) sa pagkuha ng driver’s license. Nalaman ng KAMI na simula ngayong linggo ay tatanggap na lamang ang ilang mga opisina ng LTO ng medical certificates online na isusumite ng mga accredited clinics at mga doktor.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News ay nagsimula ang bagong sistema ng LTO nitong January 7 (Lunes). Kasama sa bagong patakarang ito ang mga kukuha ng student permit at magrerenew ng kanilang lisensya.

Nalaman ng LTO na tila nadadaya ang ilang mga medical certificate kapag ang mismong aplikante ang nagsusumite sa kanila. Kaya naman, ayon Memorandum Circular No. 2018-2157 ay mismong mga clinic o doktor na ang magpapasa ng medical certificate online.

Nagsimula na ang bagong patakaran sa National Capital Region (NCR) at Region 11. Narito naman ang ibang date kung kalian magsisimula sa iba pang lugar:

Regions 5, 4A, 4B at 7 – January 14 (Monday)

Regions 6 and 9 – January 21 (Monday)

Regions 1, 2 at 3 – January 28 (Monday)

Regions 10, 8, CAR at CARAGA – February 4 (Monday)

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, hindi naman ikinatuwa ng ilang mga aplikante ang bagong sistema. Bukod sa mahaba ang pila dahil kakaunti pa lang ang mga accredited na clinic, nagtaas pa ang singil sa check-up na mula P200 ay naging P400.

Humingi naman ng paumanhin ang LTO dahil sa mga aberyang dulot ng bagong sistema dahil kakasimula pa lamang ng kanilang operations.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Best Present For Christmas – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)