Pampawala ng stress! Mga tsaa na tyak maganda ang benepisyo sa kalusugan
- Tila may mga tsaa na maganda sa kalusugan ng tao
- Ilan na nga rito ang mga pinakuluang dahon ng avocado, oregano, at tanglad
- Mainam daw ang pag-inom ng tsaa upang maibsan o mawala ang stress ng isang tao
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Bukod sa nakasanayang pag-inom ng kape ng karamihan sa mga Pinoy, nagiging tampok na rin ang pag-inom ng mga tsaa ngayon. Nalaman ng KAMI sa palabas ng ABS-CBN News na Salamat Dok ang mga health benefits ng pag-inom ng tsaa.
Ayon kay Dr. Susan Balingit, makakatulong ang dahon ng advocado upang mabawasan o pantanggal ng stress.
"Kapag tayo ay feeling natin, sobrang stressed, isa sa mga nakatutulong sa atin para i-destress ay iyong pinaghalong dahon ng avocado," giit ni Dr. Balingit.
"Kasi iyong dahon ng avocado, may laman siyang maraming B complex, kasama nito iyong pandan na relaxant," dagdag niya pa.
Ibinahagi rin ni Dr. Balingit ang benepisyong makukuha sa ibang mga dahon o tsaa katulad na lang ng luya, tanglad, at oregano. Kapag sobrang napagod daw at inubo ay maaaring dagdagan ang dahon ng avocado ng tanglad at luya. Kung sakaling lumala pa ito at kumapal ang plema, maaaring dagdagan ito ng oregano.
"On their own, kaniya-kaniya eh. Kasi halimbawa iyong oregano at saka luya, nagsi-synergize siya para lusawin iyong plemang na-create noong nagawa nating ubo't sipon," sabi ni doktora.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Kung sakali namang masakit ang lalamunan o ang sikmura, pwede ring gawing tsaa ang Mentha arvensis o mint plant.
Paliwanag din ni Dr. Balingit, parehas lang ang benepisyong makukuha sa pinakuluang halaman at tsaa mula sa tuyong dahon sa loob ng tea bag.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh