18-anyos na dalaga, 23 beses sinaksak at pinukpok ng martilyo sa ulo

18-anyos na dalaga, 23 beses sinaksak at pinukpok ng martilyo sa ulo

-Mahigit dalawampung saksak at pinagpapalo pa ng martilyo sa ulo ang tinamo ng dalagang si Samantha Jean Masocol

-Ang suspek, ang kababata pa ng biktima na kinilalang si Wangyo Tribunal

-Hinala ng mga kaanak ng biktima, tinangkang gahasain ng suspek ang dalaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Patay na ang dalagang si Samantha Jean Masocol nang madatnan ng kanyang mga kaanak sa kanilang bahay sa Barangay Mamacao, Sta. Maria, Davao Occidental nitong Sabado.

Nagtamo ito ng dalawampu't tatlong saksak at pinagpapalo pa umano ito ng martilyo sa ulo.

Ang suspek na kinilalang si Wangyo Tribunal, kababata pa ng biktima.

Ayon sa ulat, mag-isa lang ang biktima sa kanilang bahay nang maganap ang insidente.

Hinala naman ng mga kaanak nito, tinangkang gahasain ng suspek ang dalaga. Nagtanong daw ang suspek sa mga kaibigan nito kung ilang taong pagkakakulong ang kasong panggagahasa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mariin naman itong itinaggi ni Tribunal. Depensa niya, tatakutin lang daw niya ang biktima dahil sa pang-aasar nito na siya daw ay magnanakaw ng manok.

"Tatakutin ko lang sana pero inagaw niya yung kutsilyo," anito.

Sa inisyal na imbestigasyon naman ng mga pulis, walang palatandaan na ginahasa ang biktima.

Ang overseas Filipino worker (OFW) na ina ng biktima ay nakatakdang umuwi sa bansa habang ang ama nito ay hindi pa rin matanggap ang nagyari sa anak.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone