Top 8 Ordinary Filipinos whose success stories went viral in 2018

Top 8 Ordinary Filipinos whose success stories went viral in 2018

Hindi na bago para sa mga Pilipino ang magtagumpay sa kabila ng kahirapan o kaulangan. Madalas na ring kilalanin ang mga Pinoy sa buong mundo.

Kaya naman narito ang ilan sa ating mga kababayang nagtaas ng ating bandila at talaga namang pinag-usapan ngayong taon!

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

1. Romnick L. Blanco

Isa sa mga pinag-usapan sa Pinas ang anak ng magsasaka na nabigyan ng pagkakataong makapag-aral sa prestihiyosong paaralan, ang Harvard.

Si Romnick Blanco, Green Earth Heritage Foundation scholar, International School Manila scholar Class of 2017, Harvard University Class of 2022.

Ito ay kwento ng isang bata na matagal nang nagtiis makapag-aral lang. At dala ng kaniyang pagsusumikap, isang malaking biyaya ang sa kanya pala'y natanggap.

Top 8 Ordinary Filipinos whose success stories went viral in 2018
Photo source: Rappler
Source: Facebook

2. Hidilyn Diaz

Nag-uwi ng ginto sa Pilipinas ang weightlifter mula sa Zamboanga na si Hidilyn Diaz mula sa nakaraang Asian Games na ginanap sa Jakarta Indonesia.

Siya ang pinaka-unang nagkamit ng gintong medalya para sa Pinas nitong 2018 Asian games.

Top 8 Ordinary Filipinos whose success stories went viral in 2018
Photo source: Getty Images
Source: Getty Images

3. Margielyn Didal

Anak ng isang karpintero at sidewalk vendor si Margielyn Didal. Dating batang kalye na nangarap at nagbigay pag-asa para sa marami.

Isa si Didal sa mga Pinoy na nag-uwi ng gintong medalya at nagtaas ng bandera ng Pilipinas sa nakaraang 2018 Asian Games women's skateboarding street event.

Umaasa si Didal na sa kanyang pagkapanalo ay mabibigyang pansin ang skateboarding sa Pinas.

Top 8 Ordinary Filipinos whose success stories went viral in 2018
Photo source: GMA News
Source: Getty Images

4. Bella Santiago

Isang Pinoy pa ang humabol ngayong taon na nagpakita ng talento sa buong mundo si Bella Santiago na itinanghal na grand winner sa X Factor Romania noong nakaraang December 23 (December 24 sa Pinas).

Top 8 Ordinary Filipinos whose success stories went viral in 2018
Photo source: Youtube
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

5. Josephine Floresca

Nagmula sa mahirap na buhay, dumanas na mangolekta ng kanin-baboy, maging OFW at tagalinis ng mga paupahang town house si Josephine Floresca.

Ngunit dahil sa kanyang pagsusumikap, isa na siyang matagumpay na negosyante.

May-ari na siya ngayon ng hotel at restaurant. Mayroon na rin siyang commercial building at ilan pang ari-arian.

Kaya naman hindi kataka-takang nang maitampok siya sa Kapuso Mo Jessica Soho at makilala ng mga Pilipino ang kanyang pagsusumikap sa buhay.

Top 8 Ordinary Filipinos whose success stories went viral in 2018
Photo source: KMJS
Source: Facebook

6. Evelyn Tagalog

Isa pa sa naitampok sa sikat na programang Kapuso Mo Jessica Soho ay ang dating katulong lang daw sa isang bakery na ngayon ay isa nang milyonarya sa Iceland na si Evelyn Tagalog.

Ngunit bago siya magtagumpay, maraming hirap muna daw ang kanyang naranasan. Ngunit dahil likas sa ating mga Pinoy ang pagiging matatag at matiisin, isa na siya ngayon sa mga Plipinong tinitingala ng marami.

Top 8 Ordinary Filipinos whose success stories went viral in 2018
Photo source: KMJS
Source: Facebook

7. Yuka Saso

Isa pa sa mga kinilala pagdating sa sports sa buong mundo ay ang Pinay na si Yuka Saso. Ang Pinay golfer na nag-uwi ng dalawang gintong medalya sa bansa mula rin sa 2018 Asean games na ginanap sa Indonesia.

Top 8 Ordinary Filipinos whose success stories went viral in 2018
Photo source: GMA News
Source: Facebook

8. Marvin Braceros

Gumawa ng sariling pangalan ang Pinoy na si Marvin Braceros sa Milan, Italy gamit ang mga pagkain Pinoy.

Nagsimula nang makilala ang ating mga pagkain sa Milan nang malikhain nitong inihain ang mga pagkaing Pinoy sa mga dayuhan.

Hindi lang nito ipinakilala ang ating kultura doon kundi itinaas rin niya ang bandila natin sa dayuhang bayan na sumubok sa kanyang kakayahan at talento.

Top 8 Ordinary Filipinos whose success stories went viral in 2018
Photo source: ABS-CBN News
Source: Facebook

DISCLAIMER: The views and opinions expressed in this article belong solely to the author and not to KAMI.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone