Video ng kapitbahay na nagwala umano nang patayan ng wifi ng may-ari, viral na
-Viral na sa social media ang video ng isang lalaki na nagwala nang patayan umano ng wifi ng may-ari nito
-Sa video, makikitang talagang gigil na gigil ang lalaki sa lalaking kausap nito na siya umanong nagpatay ng wifi kung kaya hindi na ito maka-connect pa
-Hindi naman nagustuhan ng netizens ang reaksyon na ito ng lalaki sa video
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nagwala at nagalit ang isang lalaki sa isang computer shop dahil umano pinatayan ito ng wifi ng kapitbahay.
Ang nasabing video ay agad na kumalat sa social media na mula sa netizen na si Romar Deocadiz.
Sa kuha, unang makikita at maririnig ang isang babae na kausap ng lalaking kumukuha ng video. Tila nakikiusap ito at nagpapaliwanag sa lalaki.
Ayon sa lalaki, sinugod siya at dinuro-duro ng lalaki dahil daw hindi ito maka-connect sa wifi. Pinatay na lang umano niya ito upang wala nang away.
Ngunit hindi ito nagustuhan ng kanilang kapitbahay na matagal na palang nakiki-connect sa kanila.
Agad namang sumunod ang lalaking nagwawala sa computer shop at maririnig itong ilang beses na nagmura habang inaawat ng babaeng kasama nito.
Samantala, maraming netizens ang hindi nagustuhan ang ginawang ito ng lalaking pinatayan ng wifi.
Jeff Orteza Gonzaga: "Is this for real? How can someone na "nakikikonek lang" would have the audacity to confront yung may ari ng WiFi? Unless you had a previous agreement? At bakit alam nila ang password?"
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Wilner L. Dat-ay: "Seryoso?..Saan po kumukuha si kuya ng Kapal ng Mukha?..How to be you po?..Kung nagbabayad o nakikihati ka sa pagbayad,may karapatan ka magalit..pero kung ni piso wala kang binibigay at nakikiconnect ka lang..Aba'y tsong!..Mahiya hiya ka naman!"
Jose Marvin Reyes: "The nerve, nkiki connect lng matapang pa, hoy manong may idea ka magkano internet ngayun, minimum 1,200 monthly pnaka mabagal p yun at kumukonsumo ng kuryente un kuya kc yun modem nkasaksak s outlet. San k humuhugot ng KAPAL NG MUKHA Manong!"
Paul George: "Hahaha pota humati kasi kayo sa bayad para maka connect kayo."
Nonoi Nonoi: "May karapatan kang magreklamo kung nagsishare ka ng bayad sa wifi. Eh kung nakikiwifi ka lang, abay d Tama yan brother. Tigas nman ng mukha mo!bumili ka ng sarili mong wifi."
Jhazzie Ariane: "Ganyan ang mga tao sa pinas.d2 ka sa ibang bansa kulong agad.kung umasta ka parang sau un wifi. Bllsht gigil mo ako."
Post Ko To: "Pag naka react si manong kala mo sya may ari ng wifigalit na galit,pag hindi afford ang wifi manong mag data ka nalng."
Allyssa Smeth: "Ahahaaahha kaluka nagpaka sarap Siya gumamit ng WiFi e Hindi nman Pala Siya nagbabayad kapal mukha ah."
ARvin DAnz: "ireklamo mo, bawal yan eh.. marami talagang pinoy na kala mo sino.. sila na nga nkikikabit lang sila pa may ganang magalit aba.. iba din.. buti sana kung nagbabayad ka eh free lang nman, nkikiwifi ka lang kapal ng apog ng matandang to.. tumandang wlang ginawang mabuti.. kapal ng mukha."
Giselle Ann Carrillo: "Kapal muks lang ah may paenglish english pa kala mo sya nagbabayad ng wifi dapat dyan sinagot mo ng deretsahan para alam nya no."
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh