Bangkay ng 1 babae na posibleng ginahasa at pinatay noong Pasko, natagpuan

Bangkay ng 1 babae na posibleng ginahasa at pinatay noong Pasko, natagpuan

-Iihi lang sana ang isang lalaki nang makakita daw siya ng mga damit pambabae

-At nang silipin umano nito ang bahaging iyon ng masukal na bahagi, laking gulat daw nito nang makakita ng bangkay ng babae

-Ayon sa awtoridad posibleng ginahasa pa ang babaeng hinhinalang isa lang teenager

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang bangkay ng babae ang tumambad sa isang lalaking iihi lang sana sa isang masukal na lugar sa Sitio Sangi sa Carcar, Cebu.

Ayon sa nakakita, bandang alas-diyes ng umaga nitong Miyerkules nang makita ito ng lalaki.

Kwento nito, may nakita raw siyang mga gamit pambabae at nang silipin niya ito ay napatakbo daw siya nang makita ang bangkay ng babae na hinihinalang isa lang teenager.

"Kaya tiningnan ko. Pagtingin ko may babae, doon tumakbo ako nang mabilis," ayon sa lalaki.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakasuot umano ng gray na pang-itaas at itim na pang-ibaba ang biktima na posibleng ginahasa pa.

"May blood stain siya sa kaniyang private part. May konting pasa pero hindi totally. May konting sugat din sa ulo," sabi ni Police Officer 3 Chona Amerol ng Carcar City Police Station.

Wala pang pagkakakilanlan ang biktima at hindi pa rin tukoy ang dahilan ng pagkamatay nito.

Ayon sa ulat, posibleng Lunes pa ng gabi o madaling araw ng Martes, araw ng Pasko pa namatay ang biktima.

Source: GMA News

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Anak ni Pokwang, pinabilib ang netizens sa piniling pagkain na hinain sa kanya

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel