Viral na Ateneo student, 'nagpost' umano sa FB at nag-sorry sa publiko
-Sa isang facebook post umano, humingi ng tawad ang estudyante ng Ateneo na nang-bully at nanakit sa kapwa niya estudyante
-Ngunit depensa nito sa nasabing post one-sided lang ang video na in-upload sa social media
-Ganunpaman, hindi pa rin ito pinanigan ng taong-bayan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa isang facebook post na umano'y ipinost ng estudyante ng Ateneo na nang-bully at nanakit ng kapwa niya estudyante, idinaan ang kanyang paghingi ng paumanhin.
Ayon sa ulat ng The Daily Sentry, bandang 7:30 ng gabi ngayong Biyernes, December 21, Sa isang FB page na nakapangalan dito, nagpost umano ang estudyanteng kinilalang si Joaquin Montes at inamin ang kanyang pagkakamali.
Ganunpaman, sa nasabing FB post, dumipensa pa rin daw ito at sinabing one-sided ang mga videos na kumalat online.
Sinabi pa nitong hindi ipinakita sa video na siya ang unang biktima ng pangbu-bully at dinipensahan lamang niya ang sarili.
Dear Social Media
I made this page to apologize for all my mistake, i want to blog here all my public apologies. Please forgive me. i made my mistake, but it was a one sided video. It was a domino effect at that point, i was just protecting my self, it was not showed in the video but i was the victim that got bullied at the first place. Please undrestand my situation. Thank you.
Joaquin Montes
Ateneo De manila
Sa kasalukuyan ay burado na ang nasabing apology post na mula umano kay Joaquin Montes.
Ngunit taliwas sa inaasahan nito, hindi ito natanggap agad ng mga netizens lalo pa at hindi lamang isa ang video nito na kumalat sa social media.
Maging ang pamilya nito ay kabilang na rin sa nakilala ng tao at naba-bash na rin.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Ang kuya nito na isa rin daw Taekwondo black belter ay na-kick out na sa San Beda dahil rin sa pangbu-bully.
Nasangkot rin diumano ito sa isang gulo na agad ding kumalat sa social media na una nang naibalita ng
Ang ama naman nito ay hinamon din ng isang Filipino-Canadian Army instructor sa isang man-to-man match dahil umano'y ito ang dapat na sisihin sa ikinilos ng anak nito na naibalita rin ng
Source: The Daily Sentry
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Social Experiment: Do Manila Men Still Catcall? Anti-catcalling bill in the Philippines: should we support it and will it protect catcalling victims? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh